^

Bansa

Unemployment lumala: Walang trabaho sa 'Pinas sumirit sa 3.27 milyon

James Relativo - Philstar.com
Unemployment lumala: Walang trabaho sa 'Pinas sumirit sa 3.27 milyon
File photo ng mga manggagawa habang nasa trabaho
The STAR, File

MANILA, Philippines — Sumirit ang bilang at porsyento ng walang trabaho sa Pilipinas sa pagtatapos ng taong 2021, ayon sa bagong datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na inilabas ngayong Huwebes.

"In terms of magnitude, the total number of unemployed persons in December 2021 was estimated at 3.27 million, higher by 113 thousand from the 3.16 million unemployed persons reported in November 2021," ayon sa pahayag ng PSA kanina.

Dahil dito, mula sa 6.5% unemployment rate nitong Nobyembre, pumalo na sa 6.6% ang kawalang trabaho sa Pilipinas.

Narito ang iba pang mahahalagang balita pagdating sa employment situation ng Pilipinas:

  • Unemployed (3.27 milyon)
  • Unemployment rate (6.6%)
  • Underemployment rate (14.7%)
  • Employed (46.27 milyon)
  • Employment rate (93.4%)

Lumabas ang datos na ito isang buwan matapos sumadsad sa pinakamababa nitong antas sa gitna ng COVID-19 pandemic ang tantos ng kawalang trabaho sa bansa. Gayunpaman, mas mababa ang "job quality" noong panahong 'yon.

May trabaho dumami rin, ekonomiya inaasahang 'gaganda'

Bagama't tumaas ang nominal na bilang ng walang trabaho sa Pilipinas sa bilang at porsyento nito, kapansin-pansin ding dumami ang may trabaho sa Pilipinas.

Kasabay ito ng pagdagdag ng nasa 910,000 katao edad 15-anyos pataas na may empleyo na at wala.

"The country’s employment situation in December 2021 was registered at 93.4 percent, the second highest rate since January this year," dagdag pa ng PSA.

Tumalon tuloy ng 797,000 ang mga taong may trabaho nitong Disyembre, mula 45.48 milyon isang buwan bago 'yon patungong 46.27 milyon.

Natamo rin ang pinakamababang underemployment rate noong 2021 nitong Disyembre sa 14.7%. Tumutukoy ang underemployment sa mga taong may trabaho ngunit naghahanap pa rin ng dagdag na oras sa kanilang kasalukuyang hanap-buhay/naghahanap pa ng dagdag trabaho.

Nakikita ngayon ng First Metro Investment Corp. (FMIC) at University of Asia and the Pacific (UA&P) Capital Markets Research na gaganda ang ekonomiya sa unang kalahati ng 2022 kasabay ng paparating na eleksyon, panahon kung saan inaasahan ang matasas ng consumer spending.

Disyembre lang nang inilabas ni presidential candidate at Bise Presidente Leni Robredo ang kanyang P192-bilyong plano para sa paglikha ng trabaho, habang ang katunggali niyang si Ka Leody de Guzman ay planong maglaan ng P125-bilyong pondo para tulungan ang micro, small, medium enterprises para maibalik ang natanggal na mangagawa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Una nang sinabi ni De Guzman na itataguyod duin niya ang renewable energy sa Pilipinas, na sinasabi niyang labor intensive at magpaparami sa trabaho ng "siyam na ulit."

2022 NATIONAL ELECTIONS

EMPLOYMENT

JOBLESS

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

UNEMPLOYMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with