Taiwan tumatanggap na ng OFWs

Nitong Martes, inihayag ng Central Epidemic Command Center ng Taiwan na puwede na muling pumasok sa kanilang teritoryo ang mga OFW simula sa Pebrero 15, 2022.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Inaasahan na makiki­nabang ang nasa 40,000 Filipino sa pagbubukas ng Taiwan sa mga dayuhang manggagawa nang tanggalin na nila ang ‘travel restrictions’ dahil sa COVID-19.

Nitong Martes, inihayag ng Central Epidemic Command Center ng Taiwan na puwede na muling pumasok sa kanilang teritoryo ang mga OFW simula sa Pebrero 15, 2022.

Dapat bakunado na ang isang OFW bago pumasok ng Taiwan at ang kanilang employer ang maghahanda ng hotel na magiging ‘quarantine facility’ nila pagpasok sa naturang bansa.

Matapos na makumpleto ang 14-day quarantine, mananatili pa rin sila sa hotel ng pitong araw para sa self-health management bago magtungo sa kanilang pagtatrabahuhan.

Ang iba pang rekisitos ng Taiwan health authorities ay ang pagkakaroon ng RT-PCR test, at one-person one-room isolation bago pumasok sa kanilang teritoryo. Kailangan din ang medical insurance para sa kumpirmadong kaso, at RT-PCR test pagkapasok sa Taiwan.

Show comments