^

Bansa

5 presidentiables nag-‘panata’ sa bayan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
5 presidentiables nag-‘panata’ sa bayan
Mula kaliwa pakanan: Litrato nina Sen. Manny Pacquiao, Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso, Bise Presidente Leni Robredo, Ka Leody de Guzman at Sen. Panfilo Lacson.
The STAR, File; Mula sa Facebook page ni Isko Moreno Domagoso; Mula sa Facebook page ni Leody de Guzman; Senate PRIB / Voltaire Domingo

MANILA, Philippines — Isa-isang inilahad ng limang kumakandidatong presidente ang kanilang mga plataporma at mga dapat ayusin sa pamahalaan sakaling palarin silang magwagi sa 2022 elections.

Dumalo kahapon sa isinagawang forum na ikinasa ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas na may temang “Panata Sa Bayan, The 2022 Presidential Candidates Forum, na iniere sa mahigit 300 channels sa bansa sina Vice Pres. Leni Robredo, Sen. Panfilo Lacson, Sen. Manny Pacquiao, Manila Mayor Isko Moreno at labor leader Leody de Guzman.

Samantala ‘no show’ naman si Ferdinand ‘Bong­bong’ Marcos sa naturang forum dahil umano sa conflict of schedule.

Ayon sa kampo nito, dumalo si BBM sa interview kay Korina Sanchez.

Ayon kay Robredo, mahalaga ang muling pagbabalik ng tiwala sa gobyerno na magkaroon ng mas maraming trabaho, pagpapalakas ng industriya ng Pilipino, pagprotekta sa micro, small and medium enterprises (MSMEs), pagtugon sa mga isyu sa diskriminasyon sa mga lugar ng trabaho at insurance sa mga nawalan ng trabaho.

Igigiit din niya ang mga karapatan ng bansa sa West Philippine Sea, ibigay ang mga pangangailangan ng mga komunidad na nahaharap sa mga banta at problema ng insurgency, paglaban sa ilegal na droga, dagdagan ang badyet sa kalusugan, at karagdagang suweldo sa mga guro.

Samantala, sinabi naman ni Moreno na tututukan niya ang housing programs o pabahay tulad ng ginawa niya sa lungsod ng Maynila. Isusulong din ang quality basic education, paglikha ng mas mara­ming trabaho at pagtatayo ng maraming regional hospitals dahil ang health aniya sa bansa ay nasa ‘abysmal state’ gayundin ang edukasyon ng medical students.

Gagawa rin siya ng mga strategy sa pagpapa­lakas ng turismo, pagpapaunlad ng tourism highways at pagtutuloy pa ng Build, Build, Build program, tututok sa digital transformation, ang taimtim na pangako sa mga mangi­ngisda na makakapangisda sa West Philippine Sea nang hindi nanganganib na walang humaharang at ang pagbibigay ng risk-free capital sa mga magsasaka.

Kay Lacson naman, puputulin niya ang katiwalian, isasagawa ang internal cleansing para sa mga “inept, corrupt and undisciplined government officials and employees”, magpapatupad ng Universal Healthcare Act, aalalay sa MSMEs, pagbibigay ng mga kagamitan at seedlings sa mga magsasaka, pagbibigay ng accessible na edukasyon at reporma sa badyet para mapaunlad ang kanayunan at makapagbigay ng pantay na suweldo para sa lahat.

Sinabi naman ni Pacquiao na kabilang sa kaniyang 22-point agenda ang paglikha ng mga programang pabahay sa mga mahihirap, libre at may kalidad na edukasyon, susuporta sa mga magsasaka at pagbubutihin ang transportasyon at  internet connectivity.

Ayon naman kay De Guzman, prayoridad niya ang kapakanan ng mga manggagawa, magsasaka at mangingisda, at mga mamamayan, hindi ang mga mamumuhunan o mga negosyante.

Patitigilin niya ang contractualization sa pamamagitan ng pag-abolish sa mga manpower agencies, itataas ang mga sweldo sa mga probinsiya tulad ng sinasahod ng mga manggagawa sa Metro Manila, hikayatin ang mga unyon ng manggagawa at magbigay ng karagdagang pondo sa industriya ng agrikultura at pangingisda.

 

2022 ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with