^

Bansa

De Guzman, Domagoso at Pacquiao idinetalye paano popondohan kanilang 2022 platforms

James Relativo - Philstar.com
De Guzman, Domagoso at Pacquiao idinetalye paano popondohan kanilang 2022 platforms
Litrato nina 2022 presidential aspirants Ka Leody de Guzman (kaliwa), Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso (gitna) at Sen. Manny Pacquiao (kanan), ika-4 ng Pebrero, 2022
Video grab mula sa presidential candidates forum ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas

MANILA, Philippines — Maraming ipinangako ang presidential candidates oras na sila'y manalo sa 2022 national elections. Pero saan nila kukunin ang pera para maipatupad ang mga ito?

Ang mga nabanggit ay idinetalye nina Ka Leody de Guzman (Partido Lakas ng Masa), Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso (Aksyon Demokratiko) at Sen. Manny Pacquiao (PROMDI) sa katatapos lang na "Panata sa Bayan: The KBP Presidential Candidates Forum," Biyernes.

 

De Guzman

Ilan sa mga plataporma:

  • Pagsugpo sa inequality, pagtaas ng sahod sa probinsya pantay sa Metro Manila
  • Libreng COVID-19 mass testing
  • Pagpondo sa magsasaka, mangingisda
  • P125 bilyong pondo para tulungan micro, small, medium enterprises para maibalik natanggal na mangagawa sa gitna ng COVID-19 pandemic
  • Hindi pagsasapribado ng serbisyo publiko
  • Pagtataguyod ng "renewable energy" sources

Pagkukunan ng pera:

  • 20% wealth tax sa 500 pinakamayayamang Pilipino
  • Paghabol sa nakaw na yaman ng pamilya ng diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos
  • Hindi pagbayad ng utang ng gobyerno sa unang limang taon; matitipid sa ika-anim na taon ipambabayad utang
  • Pagtipon sa mga "insertions" na "ipinupuslit" sa loob ng Konggreso

"[K]ung hindi ipapasa ng Congress [ang 20% wealth tax sa pinakamayayaman], ang gagawin natin gagawin natin 'yung People's Initiative na pamamaraan para maaprubahan 'yung batas," paliwanag ni De Guzman kanina.

"[D]oon natin kukunin 'yung ating perang kailangan para sa pagbangon ng ating ekonomiya para suportahan natin 'yung ating sektor ng kalusugan at pag-create ng trabaho. Dito natin kukunin mainly."

Itinutulak ito ni De Guzman ang pagtataas ng buwis sa mayayaman sa gitna ng pangamba ng "capital flight" and "tax avoidance." 

Si Ka Leody ay kilalang "sosyalista" at naninindigan sa kapakanan ng mga manggagawa't magsasaka kumpara sa malalaking kapitalista at mga negosyante.

Una nang sinabi ni De Guzman na popondohan niya nang malaki ang murang renewable energy, na siyang "labor intensive" at gagawa ng maraming trabaho.

Pacquiao

Ilan sa mga plataporma:

  • Libreng pabahay, trabaho at livelihood opportunities
  • Libreng edukasyon hanggang makatapos ng kolehiyo
  • "Isang estudyante, isang gadget" program
  • Tertiary hospitals sa bawat probinsya, medical facilities sa mga baranggay

Pagkukunan ng pera:

  • Pagpapalakas ng "non-tax revenues"
  • Pagtutulak ng 15% corporate income tax (gradual) para ma-engganyo ang mga foreign investors sa Pilipinas
  • Palalakasin mandato ng Presidential Commission on Good Government para mabawi nakaw na yaman ng mga Marcos
  • Pag-export ng isda kaysa mag-import

"'Di lang po sa tax revenue income nagre-rely [ang pondo ng gobyerno], meron ding tinatawag na non-tax revenue income," paliwanag ni Pacquiao, na kilalang boxer-turned-senator.

"[D]apat non-tax revenue income palakasin natin para di lang sa tax revenue income magrerely ang bansa."

Kilalang namumudmod ng ayuda at pera si Pacquiao bago pa man ang opisyal na campaign period, na siyang tinitignan ngayon ng ilang kritiko bilang porma ng "vote buying" in principle.

Domagoso

Ilan sa mga plataporma:

  • Paglalagay ng 1.3% gross domestic product (GDP) kada taonb sa pabahay
  • Pagpapatayo sa 1 milyong housing units para sa 4.5 milyong Pilipino bago matapos ang termino
  • 4.3% ng GDP ilalaan para pondohan ang edukasyon, pababain teacher-student ratio
  • MSMEs susuportahan 
  • Pagtatayo ng 17 "world-class regional hospitals" sa unang dalawang taon ng administrasyon
  • Pagbibigay ng kapital sa mga magsasaka at pagbibigay ng "credit asssistace" 

Pagkukunan ng pera:

  • Foreign direct investments (direktang pamumuhunan ng mga banyaga)
  • "Good and effective governance"

"Pagka sila ang pumasok dito, may mga bagay tayong pwedeng kopyahin na kapag nag-invest ang foreigner dito, bibigyan natin sila ng particular prescribed time to sustain their investment," paliwanag pa ni Domagoso, na naging aktor muna bago nagpulitiko.

"But what matters most to me, kapag nag-invest ang mga banyaga dito sa ating bansa, may maibigay tayong trabaho. Kais ang importante ngayon, pandemya, post-pandemic, kailangan ng tao ng trabaho."

Ilan sa mga ipinagmamalaki ni Mayor Isko ay ang kawalan nila ng pondo sa Lungsod ng Maynila nang siya'y umupong alkalde, ngunit nagawa raw niya ang "10 taong" pangako sa loob lang ng dalawang taon habang pandemya.

Bagama't nakapaglahad din ng kani-kanilang mga pangako at plataporma sina presidential candidates Vice President Leni Robredo at Sen. Panfilo "Ping" Lacson kanina, hindi nila nailatag sa naturang forum kung saan nila huhugutin ang perang kakailanganin para sa kanilang mga proyekto labas sa buwis at utang ng gobyerno.

2022 NATIONAL ELECTIONS

ISKO MORENO

LEODY DE GUZMAN

MANNY PACQUIAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with