P1 milyon sa Pinoy na aabot sa edad 101, aprub sa Kamara

President Rodrigo Duterte chats with 108-year-old Lourdes Marquez during the presentation of the signed implementing rules and regulations of the Centenarian Act of 2016 at Malacañang on September 27, 2016 . The law honors and provides incentives, including a P100,000 cash gift, for Filipino centenarians.
KRIZJOHN ROSALES

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas na nagkakaloob ng P1 milyon sa mga Pinoy centenarians o yaong aabot sa 101 taong gulang.

Sa botong 193-0-0 ay ganap na napagtibay ang House Bill (HB) 10647.

Nilalayon ng nasabing panukala na mabigyan ng cash gift na P1-M sa kanilang kaarawan ang mga Pinoy na aabot sa 101-anyos.

Bukod dito ay mabibigyan din ng ‘felicitation letter’ mula sa Pangulo ng bansa ang mga masusuwerteng Pinoy centenarian.

Ang mga Pinoy naman na aabot sa 80, 85,90 at 95- anyos ay makakatanggap naman ng P25,000 bukod pa sa ‘felicitation letter’ mula sa Pangulo.

Isinasaad rin sa nasabing panukalang batas na ang National Commission of Senior Citizens ang ahensya ng gobyerno na mamamahala sa pagbibigay ng P1-M cash gifts.

Show comments