MANILA, Philippines — Pormal nang inilabas ng Commission on Elections (Comelec) ang "separate opinion" ni commissioner Rowena Guanzon pagdating sa boto niya na tuluyang i-disqualify si dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos mula sa 2022 presidential elections.
"Commissioner Rowena V. Guanzon has authorized the distribution of her Separate Opinion in SPA No. 21-212(DC)," wika ni Comelec spokesperson James Jimenez sa reporters, Lunes.
Related Stories
Kaninang umaga lang nang sabihin ni Guanzon na ire-release niya ngayong hapon ang kopya ng kanyang mga kadahilanan kung bakit hindi dapat payagang makatakbo si Bongbong sa susunod na taon, bagay na may kinalaman sa 1995 conviction ng huli pagdating sa hindi paghahain ng income tax returns noon.
"After an assiduous analysis of the arguments of the parties and the evidence on record, I find that Respondent's repeated and persistent non-filing of income tax returns in 1982, 1983, 1984, and 1985, which resulted in his conviction, constitutes an offense involving moral turpitude," ani presiding commissioner Guanzon sa isang 24-pahinang dokumento.
"In view of the foregoing, I vote to GRANT the Petitions for Disqualification and declare Respondent FERDINAND R. Marcos III DISQUALIFIED from running for the position of President of the Philippines."
Dati na ring sinabi ng Quezon City Regional Trial Court Branch 105 na "wala sa records" nila na na-"satisfy" ni dating Sen. Bongbong Marcos ang parusang ibinaba sa kanya ng korte pagdating sa dati niyang tax case, bagay na mas pinaboran ni Guanzon kaysa sa Land Bank of the Philippines official receipt na iprinesenta ng isinasakdal.
Ang nabanggit na boto ay kaugnay ng petition na inihain nina Bonifacio Ilagan kasama ng ilang Martial Law survivors atbp., bagay na inihain bago magtapos ang taong 2021.
Humihingi pa naman ng komento ang Philstar.com mula kay Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Bongbong, pagdating sa release ng naturang separate opinion ngayong araw. Hindi pa siya sumasagot sa ngayon.
Una nang hiniling ng Partido Federal ng Pilipinas, partido ng anak ng diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., na ma-disbar, tanggalan ng retirement benefits at lifetime pension si Guanzon dahil sa pagsasapubliko ng kanyang boto ba pa ang pormal na promulgation ng First Division pagdating sa DQ petition.
Matatandaang sinabi ni Guanzon na "unreasonable delay" na ang paglalabas ng hatol kay Marcos lalo na't ika-17 ng Enero pa raw napagkasunduang ilabas ito. Kanina lang din nang sabihin niyang ibubulgar niya ngayong araw ang pangalan ng pultikong nasa likod ng pagde-delay ng promulgation.
Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito