Pagtaas ng presyo ng de-lata pigilan

“Kawawa na naman ang mga pamilyang Pilipinong naghihirap sa gitna nang pandemya. Kulang na sa kita, tataas pa ang presyo ng pagkain,” diin ni Estrada.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nanawagan sa pamahalaan si dating Senador Jinggoy Estrada na pigilan ang napipintong pagtaas ng presyo ng bilihin tulad ng sardinas, de-latang karne, tinapay, instant noodles at iba pa.

“Kawawa na naman ang mga pamilyang Pilipinong naghihirap sa gitna nang pandemya. Kulang na sa kita, tataas pa ang presyo ng pagkain,” diin ni Estrada.

Inanunsyo kahapon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang inaasahang pagtaas ng presyo ng mga tinatawag na shelf-keeping units tulad ng mga de-lata dahil umano sa tumataas na cost of inputs.

Ayon sa dating senador, mukhang bigo ang walang-tigil na importasyon ng Department of Agriculture (DA) ng karneng baboy at isda dahil tataas pa rin ang presyo ng mga de-latang karne at sardinas.

Dahil dito, hinimok ni Estrada ang DA, National Economic and Development Authority (NEDA) at DTI na agad magpulong upang hanapin ang tamang solusyon upang mapigilan ang pagtaas ng presyo ng pagkain.

Mungkahi ng senador, agad gumawa ang DA ng nararapat na hakbang tulad ng epektibong pagsugpo ng African Swine Flu upang muling mapasigla ang livestock industry sa bansa. Dapat din umanong mamahagi agad ng bangka at gamit-pangisda sa mga biktima ng bagyo para sa agarang pagbangon ng mga mangingisda.

Show comments