^

Bansa

Senators ikinatuwa pagpasa ng 'Marawi Compensation Bill' sa ika-2 pagbasa

Philstar.com
Senators ikinatuwa pagpasa ng 'Marawi Compensation Bill' sa ika-2 pagbasa
Soldiers commute on a military truck past destroyed buildings in Marawi on the southern island of Mindanao on May 23, 2019. Two years after the Philippine city of Marawi was overrun by jihadists it remains in ruins, with experts warning that stalled reconstruction efforts are bolstering the appeal of extremist groups in the volatile region.
AFP/Noel Celis, File

MANILA, Philippines — Pinalakpakan ng sari-saring mga mambabatas ang tuluyang paglusot ng "Marawi Compensation Bill" sa ikalawang pagdinig ng Senado, bagay na matagal nang hinihintay nang marami matapos ang pagkawasak ng lungsod bunsod ng pag-atake ng mga terorista.

Miyerkules nang aprubahan sa Mataas na Kapulungan ang Senate Bill 2420, bagay na magbibigay ng tulong pinansyal sa mga nasiraan ng mga bahay, gusali at mga ari-arian matapos ang Marawi Seige noong 2017.

"The Marawi Siege Victims Compensation Bill is long overdue. I am very happy that we are finally getting closer to its passage," wika ni Sen. Risa Hontiveros, Huwebes.

"Patuloy nating pagtutulungan ito upang maipasa ngayong 18th Congress, dahil matagal na itong hinihintay ng mga kapatid natin sa Marawi."

Matatandaang isinailalim sa martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong Mindanao noong Mayo 2007 matapos ang armadong pag-atakeng isinagawa ng grupong Maute-ISIS sa Marawi, bagay na nauwi sa pagkamatay at kapinsalaan nang marami. 

Nagtapos lang ang batas militar doon noong unang araw ng 2020. Hanggang ngayon ay butas-butas pa rin ang at sira-sira ang maraming tahanan at istruktura sa lungsod buhat ng malawakang barilan noon.

Bilang isa sa mga may akda ng SB 2420, sinabi ni Hontiveros na masaya siyang tinanggap ang kanyang pag-amyenda na magbibigay ng compensation sa mga tagapagmana ng mga namatay noong Marawi Seiege.

Sa Section 6 ng panukala, sinasabing kukunin ang pondong kakailanganin para sa inisyal nitong pagpapatupad mula sa appropriations ng National Disaster Risk Reduction and Management Fund para sa kasalukuyang taon.

"Thereafter, such amount as may be necessary for the implementation of this Act shall be included in the annual General Appropriations Act."

Sa kabila nito, wala pa raw espisipikong appropriation para sa compensation board na bubuuin ng panukala, ayon kay Sen. Sonny Angara sa ngayon.

"Sinigurado din namin na magkakaroon ng civil society orgs na masasama sa board para representado ang mga residente mismo... I hope the Marawi Compensation Bill becomes a light at the end of the tunnel for Marawi residents very soon," dagdag pa niya.

'Marami pa ring walang bahay sa Marawi ngayon'

Ayon naman kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, mahalagang maipasa na ang naturang panukala para mabigyan ng katarungan ang pagkarami-raming biktima ng naturang kaguluhan.

"The fact of the matter is, when you go to Marawi and Lanao del Sur, many of our kababayans there are still without homes, and still have no means of renovating or rebuilding their homes that were destroyed in the siege," banggit ni Zubiri sa hiwalay na pahayag.

"We saw that if we did not address the concerns of just and lasting peace and social justice for our brothers and sisters in Muslim Mindanao, these acts of terrorism would keep happening in other cities later on."

Kilala si Zubiri bilang isa mga nag-akda sa landmark Bangsamoro Organic Law bilang tugon sa Marawi Seige, na siyang nagresulta sa pagkakabuo ng  Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Paliwanag pa ng senador, ifa-facilitate ng Marawi Compensation Board ang tax-free payment ng reparations para sa mga taong na-displace ng naturang sagupaan.

Sinasabing libu-libo ang namatay sa naturang insidente, na siyang kinabibilangan ng mga sundalo, Maute group, Abu Sayyaf at maging sibilyan.

COMPENSATION

MARAWI SEIGE

MIGZ ZUBIRI

MINDANAO

RISA HONTIVEROS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with