MANILA, Philippines — Nakatakdang simulan ng gobyerno ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa mga bata na edad 5 hanggang 11 taon sa Pebrero.
Ayon kay National Task Force (NTF) Against Covid-19 chief implementer, Secretary Carlito Galvez Jr., nakahanda na ang gobyerno sa gagawing bakunahan ng mga bata na pasok sa nasabing age group.
“Iyong ating memorandum guidance ay lalabas po ngayong week at ‘yung ating town hall meetings na pamumunuan po ng DOH and series of trainings ay tuluy-tuloy ngayong week, from January 24 to 28. Darating po next week ang mga supply at puwede na po tayong mag-roll out by February 4 next Friday,” ani Galvez.
Gagamitin ang Pfizer COVID-19 vaccine na may angkop na formula para sa mga may edad -11.
Para sa unang bahagi, isasagawa ito sa isang ospital at isang local government unit (LGU) site sa bawat siyudad sa loob ng National Capital Region (NCR).
Pagkatapos ng isang linggo ay saka palalawigin sa ibang bahagi ng Metro Manila at iba pang rehiyon.
Base sa data ng NTF nasa 7,246,430 adolescents, o mga bata na may edad 12 to 17 ang kumpleto na ang bakuna laban sa COVID-19.