17,677 bagong COVID-19 cases pinataas local infections sa 3.45 milyon

Health workers conduct house-to-house antigen testing for residents of West Rembo in Makati City on Tuesday, Jan. 18, 2022. The activity is part of COVID-19 response program of the office of the Vice President Leni Robredo. DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea de Guzman, said 15 areas in Metro Manila already have cases of the highly transmissible Omicron coronavirus variant
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Matapos ang sunud-sunod na record-breaking new cases pagdating sa COVID-19 infections nitong mga nagdaang linggo, kapansin-pansing bumababa na uli ang bagong naitatalang nahahawaan ng nakamamatay na sakit.

Bumulusok kasi patungong 17,677 ang bilang ng bagong tinamaan ng kinatatakutang virus ngayong Martes ayon sa Department of Health, bagay na malayo-layo sa 39,004 noong ika-15 ng Enero.

  • total cases (3,459,646)
  • bagong kaso (17,677)
  • total deaths (53,598)
  • kamamatay lang (79)
  • aktibong kaso (247)

"Samantala ay mayroon namang naitalang 33,144 [bagong] gumaling [sa sakit]," dagdag pa ng DOH kanina sa isang pahayag.

Ito ang inilahad ng Kagawaran ng Kalusugan isang araw matapos sabihin ni Health Secretary Francisco Duque III na bumaba ang growth rate ng cases sa buong bansa mula 3,361% patungong 176%.

Bagsak din patungong 65% mula 7,225% ang two-week growth rate sa Metro Manila, na siyang epicenter ng COVID-19 surge na pinasipa ng Omicron variant.

Sa kabila ng mas mabababang bilang, kapansin-pansing anim na laboratoryo pa ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Kaugnay ng 17,677 bagong naitalang COVID-19 cases ngayong araw, aabot sa 97% ang nangyari sa nakalipas na 14 araw. Karamihan sa mga nabanggit ay nanggaling sa mga sumusunod na lugar:

  • CALABARZON (2,629)
  • National Capital Region (2,570)
  • Central Luzon (2,266)

Nasa 60 naman sa 79 new COVID-19 related deaths ay nangyari nitong Enero 2022. Ang nalalabi ay sinasabing backlog pa mula pa noong taong 2021.

"87 duplicates were removed from the total case count. Of these, 52 are recoveries," dagdag pa ng DOH.

"Moreover, 35 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation." — James Relativo

Show comments