^

Bansa

FDA inaprubahan 2 brands ng COVID-19 self-test kits

Philstar.com
FDA inaprubahan 2 brands ng COVID-19 self-test kits
In this picture taken on January 18, 2022, supervisos handle Coviself Rapid Antigen Test (RAT) kits to self-test for the Covid-19 coronavirus during the packaging process at the Mylab Discovery Solutions manufacturing facility in Lonavla, some 90 km south-east of Mumbai. Indian authorities are tightening the rules around the sale of Covid self-tests, as booming sales of the home kits add to underreporting fears during a fresh surge in infections.
AFP/Punit Paranjpe

MANILA, Philippines — Papayagan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng dalawang brands ng antigen test kits na maaaring gamitin ng publiko sa kani-kanilang bahay para malaman kung meron silang COVID-19 o wala.

Ito ang ibinahagi ng kanilang officer-in-charge na si Oscar Gutierrez sa isang talumpati sa telebisyon tungkol sa self-test kits ng Abbott Panbio at Labnovation Technologies, Lunes.

"Yung dalawa, madaragdagan pa. Meron pang 31 na nasa performance validation ng RITM (Research Institute for Tropical Medicine). Aabangan natin ‘yung iba pang maaapprubahan," ani Gutierrez sa state media.

"Importante po talaga na dumaan sa performance validation ng RITM. Kasi po kung mababa po ang sensitivity ay marami pong false negative po na mangyayari."

Bilang pag-iingat, pinaalalahanan ng opisyal ang lahat ang publiko na bumili lang ng mga home test kits na sinertipikahan ng ahensya na pwede nang bilhin sa mga lisensyadong botika. Dagdag pa niya, may temperature requirements daw kasi ang ilan dito.

Paalala niya pa, dapat tignan ng mga mamimili ang expiration date nito at basahin muna ang mga instructions bago gamitin.

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na pinakamabisa ito sa pag-alam kung may COVID-19 ang isang tao kung nagpapakita sila ng sintomas ng COVID-19. Bagama't malaki ang posibilidad na malaman nito kung positibo ang tao, kailangan pa ring gumamit ng RT-PCR test upang matiyak kung negatibong resulta.

Marami nang bansa ang gumagamit ng ganitong home-testing kits gaya ng Israel, United Kingdom, atbp. Ang ibang bansa, libre pa itong ipinamimigay sa publiko.

Aabot na sa 3.44 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas ayon sa huling taya ng DOH kahapon. Sa bilang na 'yan, patay na ang 53,519 katao. — James Relativo

ANTIGEN

FOOD AND DRUG ADMINISTRATION

NOVEL CORONAVIRUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with