Pabahay, kasing-halaga ng bakuna

Ayon kay Senador Jinggoy Estrada, may kakulangan o housing backlog na aabot sa 3.9 milyong pamilya. “Kaya naman isa sa pa­ngunahing layunin ng aking pagbabalik sa Senado ay tiyaking maisasabatas ang pagbibigay ng ligtas at disen­teng tahanan sa bawat Pilipino,” diin ng dating senador.
STAR / Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Sa ilalim ng umiiral na pandemya, ang pabahay ay kasing-halaga ng bakuna sa pagbibigay proteksyon sa bawat pamil­yang Pilipino, ayon kay dating Senador Jinggoy Estrada.

Sinabi ni Estrada, mahirap isagawa ang tinatawag na quarantine o isolation kung wala namang permanenteng tirahan ang mga Pinoy at kung karamihan sa kanila’y nakatira lamang sa entresuwelo o maliit na kuwarto.

“Dahil dito, malinaw na ang pabahay ay ‘sing-halaga ng bakuna sa pa­ngangalaga ang kapa­kanan ng bawat Pilipino,” aniya.

Ayon kay Estrada, may kakulangan o housing backlog na aabot sa 3.9 milyong pamilya. “Kaya naman isa sa pa­ngunahing layunin ng aking pagbabalik sa Senado ay tiyaking maisasabatas ang pagbibigay ng ligtas at disen­teng tahanan sa bawat Pilipino,” diin ng dating senador.

Kamakailan, iniutos ng pamahalaan ang granular lockdown sa halos 500 komunidad kung saan sumipa ang mga kaso ng COVID-19. Ngunit ayon kay Estrada, halos imposible ang quarantine o isolation kung wala naman lugar para gawin ito sa loob ng tahanan.

Kaya naman nangako ang dating Senate President Protempore na tututukan niya rin ang pagtatayo ng tanggapang tutulong sa rehabilitasyon ng mga tirahan ng informal settlers at pinaigting na housing program para sa mga guro.

Show comments