MANILA, Philippines — Kailangan na palawigin pa ang tulong sa mga small-and-medium enterprises (SMEs) sa bansa partikular na ang mga lubhang naapektuhan ng global pandemic.
Sinabi ni dating Davao Del Norte Governor at kasalukuyang chairman Emeritus ng multi sectoral group na Angat Pinoy party-list na dapat na tulungan mula sa pambansang pondo ang SMEs lalo na ang ‘mom-and-pop’ sari-sari at convenience stores para maibalik ang ekonomiya sa pre-pandemic level.
Naniniwala rin siya na ang unang bansa na magiging matagumpay na maibangon ang ekonomiya ay siyang mangunguna sa rehiyon sa hinaharap.
Kaya kung mabagal ang recovery natin ay mahuhuli tayo sa pag-unlad muli at ang tanging paraan lang para makarecover ay tulungan ng gobyerno ang business sector partikular na ang SMEs para makabangon.
Ang pangunahing adbokasiya ng Angat Pinoy ay magbigay tulong sa SMEs sa pamamagitan ng pagbibigay ng “link” para makuha nila ang available national government funds partikular na ang mga nakalaan para sa sektor.
Mula Enero 17 ay inilunsad nito ang Angat Pinoy Tulong Negosyo Program na magbibigay ng P10,000 para sa mga kwalipikadong SMEs.