^

Bansa

Malakas na agrikultura susi sa pagsulong ng Pinas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Positibo si 2nd District Albay Rep. Joey Salceda, na magsisilbing susi sa mabilis na pagsulong ng ekonomiya ng bansa ang isang pamumuhunan na pinalakas ng masaganang agrikultura.

Ito’y sa kabila ng pananaw ng International Monetary Fund (IMF) na magkakaroon ng “economic turbulence” o kaguluhan sa ekonomiya ng mga bansang bumabangon gaya ng Pilipinas sanhi ng pagbabago sa mga panuntunan sa pananalapi ng Estados Unidos gayundin dulot ng pagsirit ng Covid-19 Omicron virus.

Ayon kay Salceda, isang respetadong ekonomista, sa kabila ng pagtaya nina IMF economists Stephan Danninger, Kenneth Kang at Helene Poirson sa pahayag ng mga ito sa online hinggil sa isyu ng “Emerging Economies Must Prepare for Fed Tightening” ay iginiit ng solon na kaila­ngang gawin ang akmang panuntunan ng mga lider ng bansa batay sa mga ha­mong kinakaharap gayundin sa pasya ng US Fed.

“Patuloy na babangon ang pangdaigdigang ekonomiya ngayon at sa susunod na taon, ngunit mana­natiling matindi ang panga­nib na dulot ng  pan­demya na maaaring sumabay pa sa mabilis na paghihigpit  ng sinturon ng US Fed, kaya dapat handa ang ibang mga bansa sa mga kaguluhang maaaring maganap,” ma­riing babala ng IMF.

Bilang tugon sa naturang babala, sinabi ni Salceda na Chairman ng Committee on Ways and Means, na dapat dagdagan ng Pilipinas ang pamumuhunan sa agrikultura dahil ang lakas at tibay ng naturang sektor ang batayan ng ‘ínflation’ o pagmahal ng mga bilihin at gastusin.

JOEY SALCEDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with