Comelec ibinasura petisyong ikansela COC ni Marcos — mga abogado
MANILA, Philippines (Updated 4:50 p.m) — Hindi ikakansela ng Commission on Elections (Comelec) ang certificate of candidacy (COC) ni dating Sen. Bongbong Marcos para sa eleksyong 2022, ayon sa mga naghain ng petisyon, Lunes.
Sa isang pahayag na inilabas ng mga abogado ng petitioners, sinabi ni dating Supreme Court spokesperson Theodore Te na dineny ng Comelec Second Division ang kanilang petition for cancellation ngayong ika-17 ng Enero.
"Service was made by email at 9:50 a.m.," ayon sa pahayag kanina.
"Petitioners disagree with the Comelec in its ruling, among others, that the material representations made were not false and will seek reconsideration of the Resolution with the Commission En Banc within the five-day period provided under the Comelec Rules."
Lawyers of petitioners seeking cancellation of Bongbong Marcos Jr.’s COC says Comelec Second Division DENIED their plea. @PhilstarNews pic.twitter.com/FpKcPgnWof
— Kristine Patag (@kristinepatag) January 17, 2022
Aniya, lumabas sa desisyon na sumang-ayon ang poll body nang igiit nila na "material" ang mga representations na ginawa sa Item 11 at Box 22 ng COC ni Marcos Jr. Gayunpaman, sinabi ng division na hindi sila sang-ayon na "false" ito dahilan para kanilang sabihin na walang dahilan para ikansela ang kanyang kandidatura.
Una nang sinabi ng petitioners na mali-mali ang inilagay ni Marcos sa kanyang COC nang sabihin niyang "eligible" siya sa pagtakbo sa pagkapangulo ng Pilipinas. Aniya, disqualified siya rito bilang bahagi ng parusa ng kanyang 1995 conviction kaugnay ng isang tax case.
"Counsels are not free to discuss the ground to be included in the Motion for Reconsideration until the same is filed. Additional updates will be provided once the same is filed," dagdag pa ng pahayag.
Ang desisyong ito ay hiwalay pa sa kaso ng disqualification laban kay Marcos, na inaasahang ilalabas din ngayong araw.
Pinasalamatan naman ng kampo nina Marcos ang poll body, habang nananawagan ng pagkakaisa sa kanilang mga karibal upang matiyal ang "malinis, patas at kapanipaniwalang eleksyon."
"We thank the [Comelec] for upholding the law and the right of every bona fide candidate like Bongbong Marcos to run for public office free from any form of harassment and discrimination," ayon tagapagsalita ni BBM na si Vic Rodriguez sa isang pahayag.
"After the petitioners' right to have their day in court where their case was fully heard and ventilated, the Comelec has unanimously spoken — the petition to cancel the [COC] of Bongbong Marcos was denied."
Isyu ng 'misrepresentation'
Paliwanag ng Comelec, "sadyang nag-cite ng inapplicable provision" ng batas ang mga petitioner upang lituhin ang komisyon.
Tanging multang P2,000 o kulong na hindi lalagpas sa anim na buwan o pareho ang maaaring ilapat sa taxable years na 1982 hanggang 1984. Pagsapit ng 1985, ang applicable law ay nagpaparusa ng multa, kulong o pareho.
Naging mandatory lang din daw ang pagpapataw ng parehong multa at kulong noongh ika-11 ng Disyembre 1998 noong ipatupad ang Republic Act 8424.
Ayon pa sa dibisyon, walang deklarasyon sa naunang hatol ng Court of Appeals na perpetually disqualified si Bongbong sa paghawak ng posisyon sa gobyerno.
Dagdag pa nila, sinabi na raw noon ng Korte Suprema na hindi krimen na may kaugnayan sa "moral turptitude" ang kabiguang maghain ng income tax return.
Hatol walang epekto sa ibang kaso
Hindi lang ito ang kasong naglalayong pumigil sa kandidatura ni Marcos. Kasama pa riyan ang disqualification cases na hawak ng First Division na inaasahang ilabas ngayong araw.
Pangamba kasi ng ilan, maaaring maapektuhan ng desisyong ito ang resulta ng iba pang petisyon.
"Each division will come with their own decision," wika ni Comelec spokeperson James Jimenez sa isang press briefing.
"I cannot say that the decision of one division will impact how another division decides. So hiwalay."
Isa rin sa mga tinutukoy ng ilang DQ cases ang isyu ng hindi paghahain ng ITR ni Marcos noon. — James Relativo at may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag
- Latest