Kiko: Nagpapakalat ng fake news sa gitna ng pandemya ‘walang puso’

MANILA, Philippines — Tinawag ni vice presidential candidate at Senador Kiko Pangilinan na “walang puso” ang mga nagpapakalat ng pekeng balita habang nasa kasagsagan ng pandemya ang bansa at hindi pa rin nakakabangon ang ilang lugar mula sa epekto ng Bagyong Odette.

“Hindi ito katanggap-tanggap. Walang puso ang nagpapakalat ng pekeng balita habang may krisis. This is wrong,” wika ni Pangilinan sa pagdinig ng Senado ukol sa fake news sa social media.

Ayon kay Pangilinan, apektado ang kalusugan at kaligtasan ng bansa, pati na ang kaayusan ng lipunan dahil sa kasinu­ngalingang ipinakakalat ng ilan sa social media.

Mariing kinondena ni Pangilinan ang ginaga­wang paninira sa social media sa telemedicine project ng Office of the Vice President na nagbibigay ng libreng konsultasyon at payo sa mga kababayan nating maysakit o nais magpatingin.

Kumalat sa social media na ginagamit umano ng OVP ang nasabing programa para sa panga­ngalap ng personal na impormasyon ng mga botante.

Show comments