Metro Manila, Alert Level 3 hanggang Enero 31
MANILA, Philippines — Mananatili ang Metro Manila sa ilalim ng Alert Level 3 hanggang sa katapusan ng buwan dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ipinagbabawal sa Alert Level 3 ang face-to-face classes, contact sports, funfairs at operasyon ng mga casinos.
Nililimitahan din ang galaw ng mga hindi bakunadong indibiduwal at hanggang 30 porsiyento lamang ang pinapayagang kapasidad sa mga indoor activities, dine-in services, religious gatherings, fitness studios, personal care services, at recreational venues.
Pinapayagan pa rin sa Alert Level 3 ang intrazonal at interzonal movement bagaman at puwedeng mapatupad nang paghihigpit ang mga local government units pero sasailalim sa oversight, monitoring, at evaluation ng kani-kanilang Regional IATF.
Bukod sa Metro Manila, isasailalim din sa Alert Level 3 simula Enero 16-31 ang Baguio City, Ifugao, Mountain Province, Dagupan City, Ilocos Sur sa Region 1; Santiago City at Cagayan sa Region 2; Angeles City, Aurora, Bataan, Bulacan, Olongapo City, Pampanga at Zambales sa Region 3; Rizal, Batangas, Cavite, Laguna at Lucena City sa Calabarzon o Region 4-A; Marinduque at Romblon sa Region 4-B; Camarines Norte, Camarines Sur, Naga City at Sorsogon sa Region 5.
Sa Visayas, nasa Alert Level 3 ang Iloilo City, Iloilo province Negros Occidental at Guimaras sa Region 6; Lapu-Lapu City, Bohol, Cebu at Negros Oriental sa Region 7; Ormoc City, Biliran, Samar, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar at Southern Leyte sa Region 8.
Sa Mindanao, ang mga lugar sa Alert Level 3 ay Isabela City, Zamboanga City at Zamboanga del Sur sa Region 9; Bukidnon, Iligan City, Misamis Occidental at Misamis Oriental sa Region 10; Davao del Sur at Davao del Norte sa Region 11; General Santos City at South Cotabato sa Region 12 Surigao del Sur at Agusan del Norte sa Caraga; at Lanao del Sur sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Related video:
- Latest