^

Bansa

Pag-alis ng mass testing, contact tracing isang malaking pagkakamali - Escudero

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinastigo ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero ang Department of Health (DOH) dahil sa pag-alis nito sa contact tracing at mass testing bilang parte ng estratehiya ng pamahalaan kontra COVID-19 kasabay ng kanyang pagsasabi na importante ang mga hakbang na ito sa pag-isolate at paggamot sa mga Pinoy na nahawahan ng COVID at upang maiwasan din ang pagkalat ng sakit sa mga komunidad.

Sinabi ni Escudero na hindi isang estratehiya ang ginawang pagkambiyo ng DOH upang malabanan ang mabilis na pagkalat ng Omicron variant sa bansa kundi isang pagpapamalas nang pagbitiw at pagsuko.

“Ang ginagawa ng DOH ay hindi isang ‘COVID-19 response stra­tegy’ kundi isang buong pagbitiw at pagsuko,” ani Escudero na tumatakbo sa Senado sa May 2022 national elections. “Para siyang strategy na ‘if you can’t beat them, join them.’”

“Isang napakalaking pagkakamali at napakalaki ng ating pagbabayaran dito,” babala ni Escudero.

Sa parte ng DOH, inihayag nito na mas tututukan nila ang community interventions kaysa pag-Polymerase Chain Reaction (PCR) test at gagamitin lamang ang testing para sa mga pasyenteng high risk, sa pamamahala ng mga apektadong komunidad, at sa pag-isolate at pagbabakuna sa mga mamamayan.

Sinabi rin ng ahensiya na sa ngayon ay iiwan na rin muna nila ang contact tracing.

“Wala na ngang libreng mass testing, babawasan pa ang testing! Kawawa naman po tayo. I cannot fathom, much less understand, the logic behind this policy,” ani Escudero.

CHIZ ESCUDERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with