MANILA, Philippines — Sa ikalawang sunod na araw, record-high uli sa kasaysayan ng Pilipinas ang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa matapos nitong tumalon patungong 37,207 ngayong Biyernes.
Ayon sa pinakasariwang datos ng Department of Health (DOH), naungusan ng datos ngayong araw ang naunang record na 34,021 noong nagdaang Huwebes.
Related Stories
- total cases (3,129,512)
- bagong kaso (37,207)
- total deaths (52,815)
- kamamatay lang (81)
- aktibong kaso (265,509)
"Of the 37,207 reported cases today, 36,577 (98%) occurred within the recent 14 days (January 1 - January 14, 2022)," paliwanag ng DOH sa isang statement kanina.
Karamihan sa mga kaso nitong nagdaang dalawang linggo ay nagmula sa:
- NCR (16,824)
- Region 4-A (8,580)
- Region 3 (4,052)
Nasa 21 lang sa kabuuang 81 newly reported COVID-19 deaths ang nangyari ngayong buwan, habang ang nalalabi ay panay backlog pa noong taong 2021.
Sa kabila ng panibagong record-high ngayong araw, walong laboratoryo pa ang hindi nakapagsumite ng kanilang mga datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
"104 duplicates were removed from the total case count. Of these, 67 are recoveries and 2 are deaths," dagdag pa ng kagawaran.
"Moreover, 58 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation."
Kanina lang nang sabihin ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles na palalawigin hanggang ika-31 ng Enero ang mahigpit-higpit na Alert Level 3 sa Metro Manila dahil pa rin sa biglaang pagsipa ng COVID-19 cases. Maliban pa 'yan sa 82 bayan, lungsod at probinsya na nasa ilalim din nito.
Samantala, nakatakda namang ikasa ang "full implementation" ng pagbabawal sa mga unvaccinated na residente na sumakay sa pampublikong mga sasakyan sa Metro Manila simula Lunes, ika-17 ng Enero. — James Relativo