Kamaynilaan, 82 pang lugar isasailalim sa Alert Level 3 buong buwan ng Enero

Joint military and police forces conduct Commission on Elections checkpoints at midnight Sunday, Jan. 9, 2022 along Imelda Avenue in Cainta, Rizal as preparation for the May national elections.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na pagtaas ng bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, dinamihan pa lalo ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang mga lugar na ilalagay sa mas mahigpit na Alert Level 3.

Ito ang ibinalita ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles sa isang briefing ng Palasyo, Biyernes, kaugnay ng IATF Resolution 157-A.

Alert Level 3

  • National Capital Region
  • Baguio City
  • Ifugao
  • Mountain Province
  • Dagupan City
  • Ilocus Sur
  • City of Santiago
  • Cagayan
  • Angeles City
  • Aurora
  • Bataan
  • Bulacan 
  • Olongapo City
  • Pampanga
  • Zambales
  • Rizal
  • Batangas
  • Cavite
  • Laguna
  • Lucena City
  • Marinduque
  • Romblon
  • Camarines Norte
  • Catanduanes
  • Naga City
  • Sorsogon
  • Iloilo City
  • Iloilo
  • Negros Occidental
  • Guimaras
  • Lapu-Lapu City
  • Bohol
  • Cebu
  • Negros Oriental
  • Ormoc City
  • Biliran
  • Eastern Samar
  • Leyte
  • Northern Samar
  • Southern Leyte
  • Western Samar
  • City of Isabela
  • Zamboanga City
  • Zamboanga del Sur
  • Bukidnon
  • Iligan City
  • Misamis Occidental
  • Misamis Oriental
  • Davao del Sur
  • Davao del Norte
  • General Santos City
  • South Cotabato
  • Surigao del Sur
  • Agusan del Norte
  • Lanao del Sur

Epektibo ang Alert Level 3 sa mga sumusunod na lugar mula ika-16 hanggang ika-31 ng Enero.

"Kung inyo pong matatandaan, may 28 na lugar ang una na po nating napasailalim sa Alert Level 3 epektibo ngayong araw, January 14, 2022 hanggang January 31, 2022," paglilinaw ni Nograles kanina.

Ang mga nabanggit ay ang sumusunod sa ilalim ng IATF Resolution 156-C:

  • Benguet
  • Kalinga
  • Abra
  • La Union
  • Ilocos Norte
  • Pangasinan
  • Nueva Vizcaya
  • Isabela
  • Quirino
  • Nueva Ecija
  • Tarlac
  • Quezon Province
  • Occidental Mindoro
  • Oriental Mindoro
  • Camarines Sur
  • Albay
  • Bacolod City
  • Aklan
  • Capiz
  • Antique
  • Cebu City
  • Mandaue City
  • Tacloban City
  • Cagayan de Oro City
  • Davao City
  • Butuan City
  • Agusan del Sur
  • Cotabato City

Dahil dito, ma-extend ang "no bakuna, no labas" at "no bakuna, no sakay" policy sa Metro Manila hanggang ika-31 ng Enero, bagay na magtatapos sana sa Sabado.

Samantala, mananatiling nasa maluwag-luwag na Alertl Level 2 ang mga sumusunod hanggang sa pagtatapos ng kasalukuyang buwan.

Alert Level 2

  • Apayao
  • Batanes
  • Palawan
  • Puerto Princesa City
  • Masbate
  • Siquijor
  • Zamboanga del Norte
  • Zamboanga Sibugay
  • Camiguin
  • Lanao del Norte
  • Davao de Oro
  • Davao Occidental
  • Davao Oriental
  • North Cotabato
  • Sarangani
  • Sultan Kudarat
  • Dinagat Islands
  • Surigao del Norte
  • Basilan
  • Maguindanao
  • Sulu
  • Tawi-Tawi

Huwebes lang nang umabot sa 34,021 ang bagong hawa ng COVID-19 sa Pilipinas, ang pinakamarami sa kasaysayan ng ng bansa sa iisang araw lang.

Sumatutal, 3.09 milyon na ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa huling taya ng Department of Health kahapon. Patay naman na ang 52,736 sa kanila. — James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio

Show comments