^

Bansa

Pinakamarami na naman: 34,021 bagong COVID-19 infections naitala ng DOH

Philstar.com
Pinakamarami na naman: 34,021 bagong COVID-19 infections naitala ng DOH
Passengers present their vaccination cards to personnel upon entry at the Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) in Tambo, Parañaque City on Thursday, Jan. 13, 2022. The Department of Transportation has started implementingn a "no vaccination, no ride" policy on public transportation throughout Metro Manila.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Sumipa na naman ang bilang ng bagong hawa ng COVID-19 sa Pilipinas patungong 34,021, Huwebes, dahilan para ma-break na naman ang all-time high record sa new cases sa kasaysayan na bansa.

Mas marami ito kaysa sa 33,169 cases na naiulat ng Department of Health (DOH) nitong ika-10 ng Enero.

  • total cases (3,092,409)
  • bagong kaso (34,021)
  • total deaths (52,736)
  • kamamatay lang (82)
  • aktibong kaso (237,387)

"Samantala ay mayroon namang naitalang 4,694 na [bagong] gumaling," wika ng DOH sa isang pahayag kanina, na nagpapataas sa total recoveries sa 2.8 milyon.

Sa kabila ng naturang all-time high sa new cases, pitong laboratoryo pa ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS), na siyang 5% ngf lahat ng samples na nai-test.

Narito ang listahan ng mga lugar na may pinakamaraming new COVID-19 cases sa nakalipas na dalawang linggo:

  • Metro Manila (16,793)
  • Region 4-A (7,131) and Region 3 (3,745).

"246 duplicates were removed from the total case count. Of these, 180 are recoveries," dagdag pa ng DOH kanina.

"Moreover, 44 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation."

Pinapaalalahanan din ng DOH ang publiko na 'wag basta maging kampante sa banta ng COVID-19 at ng mas nakahahang Omicron variant nito.

Aniya, dapat pa ring ipagpatuloy ang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemasks, sumunod sa physical distancing at palagiang maghugas ng kamay.

"Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE at magpatest. Tandaan ang right test at the right time. Agad rin na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19," dagdag pa ng Kagawaran ng Kalusugan. — James Relativo

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

OMICRON VARIANT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with