^

Bansa

Ilang grupo pinuri pagtanggal sa party-list ng dating MMDA spox sa balota

James Relativo - Philstar.com
Ilang grupo pinuri pagtanggal sa party-list ng dating MMDA spox sa balota
This undated photo shows MMDA spokesperson Celine Pialago.
Mula sa Facebook ni Celine Pialago

MANILA, Philippines — Ipinagbunyi ng ilang grupo ang pagtatanggal ng Commission on Elections (Comelec) sa isang party-list sa darating na halalang 2022, bagay na pinamumunuan ng dating tagapagsalita ng Metropolitan Manila Development Authority at ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Ika-11 lang ng Enero nang burahin ng poll body ang "Malasakit Movement" (#96) sa pinal na listahan ng party-list candidates na lalabas sa balota para sa May 9, 2022 elections, kasunod ng isang resolusyon.

"We welcome the poll body’s decision to reject this bogus party-list from participating in the national polls," ani Ronnel Arambulo, national spokesperson ng militant fisherfolk group na PAMALAKAYA, Miyerkules.

Sa pananaw ni Arambulo, NTF-ELCAC daw ang nasa likod ng Malasakit Movement.

First nominee ng Malasakit si dating MMDA spokesperson Celine Pialago, na tagapagsalita rin noon ng NTF-ELCAC.

Kilala ang NTF-ELCAC sa pag-uugnay ng mga kritiko ng gobyerno, artista at efforts gaya ng community pantry sa mga rebeldeng komunista, kahit walang matibay na basehan.

Ayon naman kay Zenaida Soriano, national chair ng grupong Amihan, dapat lang talagang matanggal ang Malasakit Movement lalo na't "wala" itong nire-representang marginalized sector.

"In the coming days, we should be very vigilant and hope for the COMELEC to exclude more fake party-lists.  We want a party-list who will represent the aspirations of the marginalized sectors for land, livelihood, ayuda, housing, and others," ani Soriano.

Ayon sa desisyon ng Korte Supreme noong 2013, bukod sa mga representante ng marginalized sectors, maari ring tumakbo ang mga regional party at mga maliit na partido pulitikal.

Hinihikayat din ngayon nina Arambulo ang Comelec na tanggalin na rin ang Mothers for Change (MOCHA) nina dating NTF-ELCAC ambassador Michele Gumabao at dating OWWA deputy executive director Mocha Uson, na pawang hindi naman mga nanay at pare-parehong dating opisyal ng administrasyon.

Inihahalintulad ngayon ng PAMALAKAYA ang pagnanais ng ex-NTF-ELCAC officials gamit ang party-list system, na ginawa para sa mahihirap at napag-iiwanang sektor sa ilalim ng Republic Act 7941, sa isang civilian-military junta dahil sa kanilang diumano'y "anti-demokratikong agenda."

Malasakit Movement susubukin pa rin lumaban

Bwelta naman nina Pialago, hindi sila agad-agad-agad susuko at susubukan pa ring makatakbo sa susunod na eleksyon gamit ang mga ligal na hakbang.

"May mga legal na paraan pa po para makalaban sa darating na 2022 elections. Hahayaan ko na po ang aming legal team sa bagay na yan," ani Pialago sa isang pahayag kanina.

"Kapag mabuti ang hangarin, kapag tama ang pinaglalaban, lalaban. Lalaban po kami dahil hindi po ugali ng Team 96 ang sumuko."

 

 

Sa ngayon, wala pang malinaw na dahilan kung bakit in-exclude ng Comelec ang grupo nina Pialago sa darating na halalan.

Una nang sinabi ng Comelec na sisimulang iimprenta ang pinal na mga balota pagdating ng ika-15 ng Enero, 2022.

2022 NATIONAL ELECTIONS

AMIHAN

CELINE PIALAGO

COMMISSION ON ELECTIONS

MOCHA USON

NTF-ELCAC

PAMALAKAYA

PARTY-LIST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with