Metro Manila nasa ‘severe outbreak’ status na – OCTA

The national government allows the voluntary use face shields mandate in areas under Alert Levels 1, 2 and 3 as the Philippines sees a new surge in COVID-19 infections in January 2022.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Nasa ‘severe outbreak status’ na ngayon ang National Capital Region (NCR) makaraang umakyat sa 89.4% ang ‘average daily attack rate (ADAR)’ ng COVID-19 sa rehiyon.

Sinabi ni OCTA Research Group fellow Dr. Guido David na ito ay mula sa 12.17% ADAR mula Disyembre 28, 2021 hanggang Enero 3, 2022. Mula nito, pitong beses nang nag-multiply ang mga kaso mula Enero 4 hanggang Enero 10.

“The average daily attack rate increased to 89.42, which is above the Covid act now threshold for a severe outbreak,” ayon kay David. Higit na mataas ito sa 75 per day per 100,000 population na pamantayan sa pagkakaroon ng ‘severe outbreak’.

Umakyat din ang ‘seven-day positivity rate’ sa NCR sa 48% ngunit bahagyang bumaba ang reproduction number sa 5.22 mula sa 5.65.  Nangangahulugan umano ito na may pag-asa nang bumaba ang trend sa mga susunod na araw.

Ang reproduction rate ang bilang ng tao na maaaring mahawahan ng isang kaso. Kapag bumaba na ito sa 1 ay nangangahulugan na bumababa na ang impeksyon.

Samantala, tumaas na rin sa 57% ang health care utilization rate mula sa 27% lamang noong nakaraang linggo.

Show comments