^

Bansa

Comelec itinangging na-hack ang VCMs

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Habang hindi kinu­kumpirma kung may na­ganap na hacking o wala, tahasan namang itinanggi ng Commission on Elections (Comelec) na natangay ang mga ‘usernames at PINs’ ng mga vote counting machines (VCMs) na gagamitin sa 2022 Elections.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na wala pang ‘independent verification’ na naganap sa ulat na inilabas ng isang pahayagan na na-hack ang servers ng komisyon.

Tahasan niyang itinanggi na natangay nga ng mga hacker ang nasa 6 gigabyte na datos mula sa kanilang server kabilang ang ‘usernames at PINs’ ng mga VCMs.

“The fact, however, is that such information still does not exist in COMELEC systems simply because the configuration files - which includes usernames and PINs - have not yet been completed,” ayon kay Jimenez.

“This calls into question the veracity of the hacking claim,” dagdag niya.

Kasunod nito, tiniyak ni Jimenez na patuloy na tumutugon ang Comelec sa Data Privacy act, at patuloy ang kooperasyon sa National Privacy Commission.

Patuloy naman uma­nong magsasagawa ng sariling berepikasyon ang Comelec sa ulat ng hacking, partikular sa kung sino ang nag-berepika na may nagaganap na hacking sa kanilang ser­ver. Inimbita­han din nila ang may-akda ng balita na makipag-ugnayan sa kanila para matukoy ang sinasabing hacking.

VCMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with