^

Bansa

Anti-child marriage bill batas na! - BH partylist

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Anti-child marriage bill batas na! - BH partylist
Children play during sunset on a beach in San Fernando La Union on May 13, 2020.
The STAR / Michael Varcas

Pirmado ni Duterte

MANILA, Philippines — Ganap nang batas ang panukala ni Deputy House Speaker at Bagong He­nerasyon Congresswoman Bernadette Herrera na nagbabawal sa child marriages sa bansa.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11596 na iniakda at isinulong ni Herrera sa Mababang Kapulungan.

Nakasaad sa batas na hindi maaaring ikasal ang sinuman na wala pang 18 taong gulang sa civil o alinmang proseso sa simbahan kabilang sa mga kinikilalang tradisyonal o kultural na paraan.

Kabilang sa ipinagbabawal ang impormal na pagsasama sa pagitan ng dalawang bata o sa pagitan ng isang matanda at bata.

Papatawan ng ­multang nasa P40,000 at kulong na hanggang 12 taon ang mga magkakasal o solemnizing officers, magulang, guardians at mga matatanda na magsusulong ng fixed, facilitated o arranged child marriage.

Tinawag ng ilang mambabatas na makasaysayan ang pagpasa ng nasabing batas na isinulong ni Herrera.

“Sa akin mismo kinumpirma sa Malacañang na nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang ating panukalang batas – ang End Child Marriage Bill. Ilang taon din itong natengga at ngayon lamang naisabatas,” masayang pahayag ng kongresista.

“Malaking tagumpay ito sa ating kampanya laban sa child marriages sa bansa. Ito ang magiging proteksyon ng mga bata, lalo na ng mga batang babae na nasisira ang kinabukasan dahil sa sapilitang pagpapakasal sa kanila,” dagdag pa ni Herrera.

Si Herrera na siyang awtor at sponsor ng nasabing batas ay naging bahagi rin ng bicameral conference committee ng Senado at Kongreso na nagsagawa ng masinsinang pag-aral sa naturang panukala.

Dahil dito, ipinaabot ng kongresista ang kanyang malugod na pasasalamat sa Pangulo matapos itong lagdaan.

Binigyang-diin ni Herrera na panahon na upang wakasan ang kinagisnang kultura ng ilang sektor na pagpapakasal sa mga bata nang labag sa kalooban ng mga ito.

Malinaw aniya na ang child marriage o ang sapilitang pagpapakasal sa mga bata ay isang uri ng paglabag sa kanilang karapatang pantao.  — Joy Cantos

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with