MANILA, Philippines — Mga hindi bakunado ang naitalang nasawi sa COVID-19, gayundin ang mga naoospital, ayon sa Department of Health (DOH), na indikasyong ang ‘fully vaccinated’ ay nakalalamang sa proteksyon at peligro.
Sa pagkumpirma kahapon ni Health Undersecretary Leopoldo Vega, nasa 93% ng mga taong namatay dahil sa COVID-19 noong 2021 ay mga hindi bakunado.
Base aniya ito sa datos ng DOH mula Marso hanggang Disyembre ng nakaraang taon.
“Yung namatay ho occurred in 93% sa mga unvaccinated,” pahayag pa ni Vega.
Idinagdag pa niya na ang 80% ng mga naospital dahil sa sakit ay hindi rin mga bakunado.