'Alert level 3 na rin': Bulacan, Cavite at Rizal hihigpitan simula ika-5 ng Enero
MANILA, Philippines — Magtataas na rin ng alert level system sa ilang karatig probinsya ng National Capital Region (NCR) kasabay ng pagdating COVID-19 cases at paglaganap ng mas nakahahawang Omicron variant sa bansa.
Ito ang ibinahagi ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles sa isang pahayag na inilabas ngayong araw, Martes.
"Due to a sharp increase of COVID-19 cases in the particular localities, the Inter-Agency Task Force (IATF) approved yesterday, January 3, 2022, the recommendation of its sub-Technical Working Group on Data Analytics to escalate Bulacan, Cavite, and Rizal to Alert Level 3," ani Nograles kanina.
"This shall take effect from January 5, 2022, until January 15, 2022."
Cabinet Secretary Karlo Nograles
— OPS (@OPSpox) January 4, 2022
Acting Spokesperson
04 January 2022
On Alert Level Escalations
Due to a sharp increase of COVID-19 cases in the particular localities, the Inter-Agency Task Force (IATF) approved yesterday, January 3, 2022, (1/2) pic.twitter.com/KOnWphQc6G
Sa ilalim ng alert level 3, suspendido ang mga aktibidad gaya ng:
- face-to-face classes sa basic education (maliban kung aprubahan ng pandemic task force o Office of the President)
- contact sports (malian kung bubble-type set-up)
- mga peryahasn o kid amusement industries gaya ng playgrounds, playroom at kiddie rides
- venues na may live voice o wind-instrument performers at audiences gaya ng karaoke bars, bars, clubs, concert halls at theaters
- casino, karerahan ng kabayo, sabong at sabungan, lotto, tayaan ng sugal atbp. gaming establishments maliban kung payagan ng pandemic task force of Office of the President
- pagtitipun-tipon sa mga bahay ng mga indibidwal na hindi kasama sa parehong kabahayan
Sa kabila nito, pinapayagan dito ang:
- sinehan atbp. mga negosyo sa 30% indoor venue capacity para sa mga fully-vaccinated at 50% outdoor venue capacity.
- 30% indoor capacity para sa mga fully vaccinated at 50% outdoor capacity ang mga aktibidad gaya ng mga burol.
Kahapon lang nang maging epektibo ang alert level 3 sa Metro Manila dahil pa rin sa pagtaas ng Omicron cases, bagay na magtatapos sa ika-15 ng Enero.
Umabot sa 4,084 ang bagong kaso ng COVID-19 kahapon, ang ikalawang araw na lumampas ng apat na libo ang new infections. Malayo ito sa bilang ng mga bagong nahahawaan nitong mga nagdaang linggo na mas mababa sa 500.
- Latest