Pitmaster Foundation dumepensa sa ‘fake news’

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Pitmaster Foundation na hindi nakikialam sa politika si Charlie “Atong” Ang taliwas sa kumakalat na fake news sa social media laban sa negosyante.

Naglabasan kamakailan sa social media ang hinggil sa isang post na may la­rawan ni  Ang na nagsasabing: “May tsansa ka pang manalo sa online sabong kesa itaya mo ang kinabukasan mo kay Bongbong Marcos. Pinaglololoko lang kayo ng BBM na yan”.

Sinabi naman ni Pitmaster Foundation Executive Director Atty.Caroline Cruz, “alam naman natin na malaki ang mawawala sa isang negosyo o negosyante kapag nakialam ito sa politika o may kakampihan ito”.

Sinabi ni Atty. Cruz, kapag negosyante ka, dapat kaibigan mo lahat at sumusunod ka sa batas at kalakaran.

Ang Pitmaster Foundation ay ang charitable arm ng Pitmaster Live na pag-aari ni Ang.

Samantala sa isang interview, sinabi rin ni Gretchen Barretto, na hindi nakikialam sa politika si Ang at mga kalaban umano sa negosyo ang nagpapakalat ng fake news.

Una dito ay mariin na ring Itinanggi ni Ang ang lumabas na fake news at sinabing ang isang may-ari rin ng online sabong na isang gambling lord na siyang nasa likod at nagpakalat ng naturang fake news.

Show comments