Villar SIPAG, pinarangalan ang 16 coops sa poverty reduction
MANILA, Philippines — Dahil sa natatanging nagawa at kontribusyon upang mapabuti ang buhay ng mga Pilipino, lalo na yong mga nasa countryside, pinangunahan nina dating Senate President Manny Villar at Sen. Cynthia Villar ang pagbibigay ng parangal sa 16 cooperatives sa buong kapuluan sa idinaos na virtual at face-to-face ceremony noong December 17.
Layunin ng pagkilala ng Villar SIPAG (Social Institute for Poverty Alleviation and Governance) sa cooperatives mula sa buong bansa na mahikayat at magsilbing inspirasyon sa social integration and job creation.
Matutulungan din nitong maiangat ang kondisyon ng buhay ng mga Pilipino at makatulong sa paglago ng ekonomiya.
Tumanggap ng tig-P250,000 cash ang 15 awardees mula sa Villar SIPAG. Isang cooperative rin ang ginawaran ng special award at tumanggap ng P150,000 cash.
Sinabi ni Sen. Cynthia Villar, director ng Villar SIPAG na sa pamamagitan ng recognition, umaasa siyang maeengganyo ang mga cooperative na ipagpatuloy ang kanilang gawain para mapabuti ang buhay sa kanilang komunidad.
- Latest