MANILA, Philippines — Panahon na umano para ipasa ang panukalang magtatag ng Department of Disaster Resilience sa bansa para mas mapagtibay at mas matutukan ang pangangailangan ng mga Filipino sa panahon ng sakuna at kalamidad.
Ito ang sinabi ni Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez kasunod nang pananalasa ng bagyong Odette kung saan nakita rin nito na ilang kakulangan sa disaster preparedness o paghahanda sa sakuna ang lokal na pamahalaan.
“We have seen that Odette has disrupted three cornerstones of local economies; namely: local roads, power and communications. Ten days after Odette, we find that the most difficult to restore is power, and this is what is going to leave long-lasting economic damage,” paliwanag ni Torres-Gomez.
Pagdating umano sa komunikasyon, binigyang diin ng mambabatas na atasan ang mga internet providers na mag-develop ng disaster preparedness o disaster resilience plan.
Halimbawa aniya ang pagtatayo ng alternatibong cell sites o back up power supply para sa mga cell cite sa mga lugar na winasak ng sakuna tulad ng bagyo at lindol.
“We have seen how the lack of internet service disrupts not only cellphone communications but more critically, it disables the use of non-cash payment transactions like gcash, debit/credit card and even ATMs,” sabi ni Torres-Gomez.
Dahil dito, muling itinutulak ni Gomez ang kanyang panawagan na magbuo na ng DDR para mas mapalawig pa ang mga nakasaad sa batas pagdating sa disaster response and preparedness.