MANILA, Philippines — Nanggalaiti ang ilang nagtatanggol sa kalikasan sa kontrobersyal na desisyon ng gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte sa "open-pit mining" — bagay na ginawa ng estado para isalba ang ekonomiyang napinsala ng COVID-19 pandemic.
Ang desisyon ni Environment Secretary ni Roy Cimatu noong ika-23 ng Disyembre ay pagbaliktad sa "ban" ni noo'y DENR Secretary Gina Lopez sa bagong open-pit mines na ipinatupad noong 2017 dahil sa epekto nito sa mga komunidad at kalikasan.
Related Stories
"We condemn the Duterte government’s lifting of the open pit mining ban when people are still responding to the plight of millions affected by Super Typhoon Odette. Talk about priorities in these times of crisis," ayon kay Kalikasan PNE national coordinator Leon Dulce, Miyerkules.
"Adding insult to the injury of many ‘Odette’ victims, open pit mining is actually responsible for the devastation of watersheds in regions heavily afflicted by the typhoon such as Caraga, Negros, and Central Visayas."
Aabot na sa 397 ang patay dahil sa Typhoon Odette, ayon sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong araw.
Maliban pa 'yan sa P5.51-bilyong pinsalang idinulot ng bagyo sa agrikultura at P16.71 bilyon sa imprastruktura.
Ayon pa kay Dulce, "disinformation" lang ang pangakong magdadala ito ng pera para sa economic recovery lalo na't 12% lang daw ng mineral resources na nakukuha sa Pilipinas ang nakababalik sa ekonomiya sa pamamagitan ng buwis, mga bayarin at royalty.
"For every 10 pesos worth of minerals they will plunder, only a peso will return to the Philippines," banggit pa ng Kalikasan PNE.
"For the past 26 years, our poverty rates have only worsened while mining revenue steadily increased. We are left with areas like the Marcopper open pit mines, forever scarred and polluted, unfit for human life."
Nananawagan ngayon ang grupo sa iba pang mga pro-environment Filipinos na magkaisa at "biguin ang pro-mining Duterte-Marcos alliance" sa 2022 at ibalik ang open pit mining ban, maliban pa sa paglalagay ng moratorium sa mga bagong mining projects.
Ngayong taon lang din nang i-lift ni Digong ang moratorium sa new mineral agreements na ipinatupad noong 2012 para "para pataasin ang kita ng gobyerno" at pondohan ang mga proyekto gaya ng sa imprastruktura.
Kahapon lang nang banatan ni Bagong Alyansang Makabayan secretary general Renato Reyes Jr. ang bagong administrative order ng DENR, lalo na't ginawa raw ito habang abala ang lahat sa Kapaskuhan: "This move is happening in the final months of the Duterte regime. Pabaon ba ito?" ani Reyes.
The lifting of the ban on open pit mining was dated December 23, when everybody was preparing for the holidays. This move is happening in the final months of the Duterte regime. Pabaon ba ito? pic.twitter.com/xuPbYK8Bmv
— Renato Reyes, Jr. (@natoreyes) December 28, 2021
Malacañang dumepensa: 'May safeguards naman'
Sinagot naman ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles ang mga kritisismo sa utos ng DENR at sinabing maraming benepisyo rito, habang tinitiyak na hindi nasisira nang husto ang kalikasan.
"'Yung objectives po is to revitalize the mining industry and usher in significant economic benefits to the country, the development of other industries and increasing employment opportunities in rural areas thereby stimulating countryside development," ani Nograles sa briefing ng Palasyo kanina.
"Meron naman pong mga nakalagay na conditionalities and requirements bago sila payagang magbukas [ng open-pit mining sa lugar]."
Ilan sa mga kondisyones ang mining project feasibility study at programang magpapakitang hindi magdudulot ng hazards sa public health and safety ang proyekto, na hindi ito maglalabas ng delikadong kemikal sa environment, atbp.
Kailangan din daw maglunsad ng komprehensibong stakeholder's involvement process habang tinitiyak din ang kaligtasan ng mga nagtratrabaho sa minahan. Dapat din daw na may oversight committee na na magsisigurong walang malalabag na administrative order.
Kinastigo naman ng Bayan Muna party-list ang gobyerno lalo na't ginagamit pang dahilan ng gobyerno ang economic recovery para makapanumbalik ang "mapaminsalang pagmimina."
"Open-pit mining is the most environmentally destructive form of large-scale mining," ani Bayan Muna chair at 2022 senatorial aspirant Neri Colmenares.
"For one thing, we should start with already-established rural economic activities such as agriculture, fisheries, and even eco-tourism. It should put more effort into allowing our farmers, fisherfolk and small entrepreneurs to increase their capacity and raise incomes without plundering our resources."
"Kayang-kaya natin ibangon ang ekonomiya nang hindi winawasak ang ating kapaligiran."