^

Bansa

Ika-4 COVID-19 Omicron variant case sa Pilipinas natuklasan — DOH

James Relativo - Philstar.com
Ika-4 COVID-19 Omicron variant case  sa Pilipinas natuklasan — DOH
File photo ng isang Philippine Airlines flight
The STAR / KJ Rosales / File

MANILA, Philippines (Updated 2:04 p.m.) — Isa na namang kaso ng mas nakahahawa at kinatatakutang Omicron COVID-19 variant ang nakapasok ng Pilipinas, ayon sa pinakahuling datos Department of Health (DOH).

Sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Lunes, ang ikaapat na kaso ay iusang 38-anyos na babae mula Estados Unidos na lumapag sa NAIA noong ika-10 ng Disyembre sakay ng Philippine Airlines PR 127.

Tinatayang nasa ika-13 ng Disyembre ang "onset date" ng nasabing kaso at  nakaranas ng makating lalamunan at sipon (colds).

"She was discharged asymptomatic after a 10-day isolation on December 24," patuloy ni Vergeire.

"She remains to be asymptomatic as of this time and she is scheduled to be re-tested tomorrow."

Paliwanag ni Vergeire, ni-release sa pasilidad ang babae kahit nagpositibo noong ika-25 dahil ang detection sa sequencing ay lumabas lang noong na-discharge na siya.

Eksakto pitong araw pa lang ang nakalilipas mula nang iulat ng gobyerno ang ikatlong Omicron variant case na nakapasok ng bansa mula sa isang 36-anyos na overseas Filipino worker na galing sa bansang Qatar.

Contact tracing

Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan, sinusubukan pa raw nilang makipag-ugnayan sa Bureau of Quarantine at Department of Transportation pagdating sa flight "manifest" ng PR 127.

"Rest assured na lahat ng dumarating... for example sa [United States] na 'yellow country,' they are all quarantined for five days, tested on the fifth day," banggit pa ni Vergeire.

"Once negative, they are sent home but they have to do home quarantine after the 14th day. So lahat naman po ay sumailalim diyaan, pero kinukuha pa rin natin 'yung manifest so that we can monitor specially those close contacts of this individual."

Sa huling datos ng DOH noong Linggo, aabot na sa 2.83 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Papalo na sa 51,200 ang namamatay sa bansa mula sa sakit.
 

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

OMICRON VARIANT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with