MANILA, Philippines — Nais ni senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno na mabigyan ng libreng tulong legal ang mas maraming mahihirap na Pilipino.
Sinabi ni Diokno na kulang na kulang ang kapasidad ng Public Attorney’s Office para magbigay ng libreng tulong legal sa mga nangangailangang Pilipino.
Ayon kay Diokno, dapat madagdagan din ang pribadong grupo na nagbibigay ng libreng tulong legal sa ating mga kababayan na walang pambayad sa abogado.
Sinabi pa ng human rights lawyer na dapat magbukas din ng pintuan ang mas maraming mga abogado at ang legal community sa pagbibigay ng libreng tulong legal.
Si Diokno ang kasalukuyang pinuno ng Free Legal Assistance Group (FLAG) na nagbibigay ng libreng tulong legal sa mga biktima ng pang-aabuso at mahihirap na Pilipino.
Nagtatag si Diokno ng libreng legal help desk ngayong pandemya para matugunan ang mga katanungang legal ng mahihirap na Pilipino na walang kakayahang lumapit sa abogado.
Sa huling siyam na buwan, nakatugon ang free legal helpdesk sa mahigit 19,000 katanungang legal na ipinadala ng ating mga kababayan.