President Duterte isinulong ang 3 anak lang kada pamilya

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga sinalanta ng Bagyong Odette sa Puerto Princesa, Palawan binanggit ng Pangulo ang malaking populasyon ng bansa at ang paglimita sa mga anak na dapat ani ni Pangulong Rodrigo Duterte ay isa hanggang dalawa lamang.
STAR / KJ Rosales, file

MANILA, Philippines — Iniugnay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang laki ng populasyon ng bansa sa kahirapan kasabay ang pagbibigay ng payo na limitahan sa tatlo ang mga anak sa bawat pamilya.

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga sinalanta ng Bagyong Odette sa Puerto Princesa, Palawan binanggit ng Pangulo ang malaking populasyon ng bansa at ang paglimita sa mga anak na dapat aniya ay isa hanggang dalawa lamang.

“In our poverty, we are really too populated. I’m not joking here, okay? I just want to say simply that you should limit your children to just one or two, three is the boundary,” ani Duterte.

Ikinuwento pa niya ang naranasan nang umakyat sa mga bundok at nakakita ng batang umiiyak na pinapabayaan ng mga magulang kung saan ang nanay ay nagma-Marites o nasa tsismisan samantalang nasa sabungan naman ang ama ng tahanan. Ipinatawag niya ang ama at binantaan na puputulan ng ari kung hindi ititigil ang pag-aanak.

Sinabi rin Duterte na dapat sumunod sa pagpa-plano ng pamilya dahil ang nakakaawa ay ang mga bata.

Idinagdag din ni Duterte na kung puputulin naman ang ari ng mga lalaki na maraming anak at hindi sumusunod sa family planning ay iiyak naman ang kanilang mga asawa.

“Who among you here have six children? Looks like someone here will have his penis cut off because there’s no other solution. If you give them advice, they don’t take it. You give them pills, they refuse to drink it. So let’s just chop off that thing instead. But the wives will cry over that,” anang Pangulo.

Show comments