258 patay sa bagyong 'Odette'; sugatan sumirit sa 568 — NDRRMC

Residents gather next to their destroyed house in Carcar, Philippines' Cebu province on December 18, 2021, days after Super Typhoon Rai hit the city.
AFP/Victor Kintanar

MANILA, Philippines — Lalo pang tumalon pataas ang bilang ng mga namamatay at sugatan dulot ng pananalasa ng bagyong "Odette" sa Pilipinas, dahilan para umabot na sa lagpas kalahating libo ang injured at daan-daang patay.

Sa huling pagtataya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), papalo na sa 258 ang naiuulat na namamatay mula sa mga sumusunod na probinsya:

 

 

Maliban dito, magkahalong kumpirmado at bineberipika pa ang nasa 568 sugatan at 47 nawawala.

Narito pa ang ilang mahahalagang datos pagdating sa mga naapektuhang residente at lugar kaugnay ng bagyo:

  • apektado ng bagyo (2.19 milyon)
  • lumikas na nasa evacuation centers (486,361)
  • lumikas na nasa labas ng evacuation (123,341)
  • apektadong baranggay (4,566)
  • mga apektadong rehiyon (MIMAROPA, Region 5, Region 6, Region 7, Region 8, Region 9, Region 10, Region 11, Region 12, CARAGA, BARMM)

Milyun-milyong pinsala

Sandamukal din ang halagang iniwang napinsala ng bagyo pagdating sa sektor ng agrikultura (P1.15 bilyon) at imprastruktura (P2.53 bilyon) sa ngayon:

Agrikultura

  • CALABARZON (P514,600)
  • MIMAROPA (P151.18 milyon)
  • Bicol (P1.01 milyon)
  • Central Visayas (P618.14 milyon)
  • Eastern Visayas (P239.37 milyon)
  • Northern Mindanao (P18.95 milyon)
  • Davao Region (P5.77 milyon)
  • CARAGA (P117.87 milyon)

Imprastruktura

  • MIMAROPA (P96.93 milyon)
  • Central Visayas (P2.15 bilyon)
  • Eastern Visayas (P173.15 milyon)
  • Northern Mindanao (P107.15 milyon)
  • CARAGA (P5.02 milyon)

Kasalukuyan nang inilagay sa state of calamity ang nasa 33 lungsod at munisipalidad sa ngayon. Bukod pa ito sa mga ipinatutupad na state of calamity sa regions  IV-B, VI, VII, VIII, X at XIII noong ika-21 ng Disyembre.

Papalo na sa P15.93 milyong halaga ng ayuda ang inilabas ng gobyerno sa MIMAROPA, Region 6, Region 7, Region 8, Region 10, Region 11 at CARAGA sa ngayon sa porma ng face masks, bigas, pagkain, hygiene kits atbp.

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na lilikom siya ng P10 bilyon para sa mga nasalanta ng bagyo, kahit na sinasabi niyang "depleted" na ang pera ng gobyerno rito habang kasabay ng COVID-19. Sa kabila nito, sari-saring presidential bets ang nagbibigay ng payo kung paano masosolusyunan ang problema.

Sari-saring bansa na rin ang nangako ngayon ng pinansyal na tulong sa Pilipinas buhat ng bagyo, na sinasabing pinakamalakas sa bansa nitong 2021. Kasama na rito ang European Union, Tsina, Estados Unidos, atbp. — James Relativo

Show comments