MANILA, Philippines — Daan-daang local government units (LGUs) na ang napilitang itigil ang kanilang bakunahan laban sa COVID-19 dahil sa matinding epekto ni "Odette" — na sinasabing isa sa pinakamalakas na bagyong tumama sa Pilipinas ngayong 2021.
Ito ang ibinalita ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Lunes, sa mga reporters sa isang media forum.
Related Stories
"A total of 637 local government units cancelled their vaccination activities due to the Typhoon Odette," ayon sa DOH offical kanina.
"LGUs in regions IV-B, Region VI, VII and VIII and CARAGA have reported 100% cancellation of their vaccination activities due to Typhoon Odette."
Ilang araw na ang nakalilipas nang ipagpaliban ng gonbyerno ang second phase ng malawakang COVID-19 vaccination drive mula Miyerkules hanggang Biyernes noong nakaraang linggo — dahilan para maantala ang bakunahan sa 11 rehiyon.
Ilan sa mga matitinding tinamaan ng bagyo ang Bohol, CARAGA, Palawan, atbp., bagay na nag-iwan ng nasa 208 kataong patay, ayon sa Philippine National Police.
Ilan sa mga lubhang tinamaan ng bagyo ang nakasira ng mga linya ng kuryente, dahilan para maapektuhan din ang malawakang suplay ng tubig gaya ng sa Bohol.
Nasayang na gamot
Dahil pa rin sa sama ng panahon, ikinalulungkot sabihin ng DOH na nasayang ang ilang suplay ng COVID-19 vaccines bago pa man maiturok sa mga nangangailangang residente.
"Unfortunately, as of December 19, 100 vials of Pfizer vaccines in Region VI... Iloilo Province was reported to be wasted," saad pa ni Vergeire.
"The National Vaccine Operations Cluster shall replenish stocks of Region VI in the future."
Samantala, patuloy naman ang pagtatasa ng bilang ng mga nasayang na gamot sa rehiyon ng Central Visayas, Eastern Visayas at CARAGA magpahanggang sa ngayon.
Mahigpit na pinapamonitor naman ngayon ang cold chain storage ng vaccines para matiyak na mapanatili ito sa iminumungkahing lamig, lalo na sa mga lugar na may pagkawala ng kuryente.
"NCR, CAR, Regions I, II, III, IV-A, V, IX, X, XI, XII and BARMM reported no vaccine wastage," wika pa ni Vergeire.
"Thank you po dahil talagang pinangalagaan ng ating mga local governments po ang ating mga bakuna."