Ika-3 Omicron case sa Pilipinas naitala sa unvaccinated OFW galing Qatar
MANILA, Philippines — Nakita na sa Pilipinas ang isa pang kaso ng mas nakahahawang COVID-19 Omicron variant, ulat ng Department of Health (DOH) ngayong araw.
Ayon sa panibagong biosurveillance data ng DOH, UP-Philippine Genome Center at UP-National Institutes of Health, narito ang detalye sa nasabing kaso:
- 36-anyos na lalaki
- returning overseas Filipino, sea-based OFW galing Qatar
- hindi bakunado laban sa COVID-19
- may travel history sa Egypt
- dumating ng 'Pinas noong ika-28 ng Nobyembre (Mactan-Cebu International Airport) sa pamamagitan ng Qatar Airways
Pagdating ng Pilipinas, agad na na-quarantine sa isang isolation facility ang lalaki.
Naka-home quarantine sa Cavite ang nabanggit at naka-endorso na para bakunahan laban sa COVID-19.
Gayunpaman, nag-negatibo na sa COVID-19 ang nabanggit pagsapit ng ika-19 ng Disyembre.
DOH says 3rd Omicron case is a 36y/o returning overseas Filipino who came from Qatar but had history of travel to Egypt. @PhilippineStar pic.twitter.com/uxkLYOfcsD
— sheila crisostomo (@shecrisostomo) December 20, 2021
Close contacts ng 3rd case negatibo lahat
"We were able to identify three close contacts from the flight manifest," wika ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang media forum kanina.
"Na-monitor natin, home quarantine sila. We already re-tested them [for COVID-19] and all of them had results of negative."
Bukod sa mas nakahahawa kaysa karaniwan, sinasabing nakakabawas sa bisa ng COVID-19 vaccines ang Omicron variant.
Sa huling ulat ng DOH nitong Linggo, aabot na sa 2.83 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, patay na ang 50,739 katao. — may mga ulat mula kay The STAR/Sheila Crisostomo
- Latest