^

Bansa

1 patay, 2 sugatan sa pananalasa ng Typhoon Odette, ayon sa NDRRMC

Philstar.com
1 patay, 2 sugatan sa pananalasa ng Typhoon Odette, ayon sa NDRRMC
This handout photo taken on December 16, 2021 and received from the Philippine Coast Guard shows rescue workers evacuating residents from their flooded homes amid heavy rains brought by Super Typhoon Rai in Cagayan de Oro City, on the southern island of Mindanao.
Handout / Philippine Coast Guard (PCG) / AFP

MANILA, Philippines — Binawian ng buhay ang isa katao habang ilan naman ang sugatan ngayong patuloy na niraragasa ng Typhoon Odette ang sari-saring parte ng Pilipinas.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Biyernes, posibleng hindi bababa sa isa na ang patay habang dalawa ang nagtamo ng injury kaugnay ng bagyo.

Patuloy pa namang bineberipika ng ahensya ang mga naturang bilang. Aabot na sa 41,434 ang sinasabing apektado ng naturang bagyo, na itinuturing na isa sa pinakamalakas ngayong 2021.

Ilan sa mga apektadong rehiyon sa ngayon ang:

  • Bikol
  • Western Visayas
  • Eastern Visayas
  • Northern Mindanao
  • CARAGA

Narito naman ang iba pang mga bilang pagdating sa tama ng bagyo sa mga residente:

  • lumikas na nasa evacuation centers (14,680)
  • lumikas na wala sa wala sa evacuation centers (500)
  • bilang ng evacuation centers (192)
  • mga apektadong baranggay (249)

Papalo na sa 332,855 ang sumailalim sa pre-emptive evacuation mula sa Region 6, Region 7, Region 8, Region 9 at CARAGA sa ngayon.

Wala pa namang mga datos ngayon pagdating sa halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastruktura. 

Nakapagtala na rin ng pagguho ng lupa dulot ng bagyo sa Eastern Visayas habang dalawang erya naman sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang binaha.

Bandang 7 a.m. nang mamataan ng PAGASA ang mata ng bagyong Odette 90 kilometro timog timogsilangan ng Cuyo, Palawan.

Kasalukuyan namang nasa ilalim ng Signal no. 3 ang:

  • hilagang bahagi ng Palawan (El Nido,Taytay, Araceli, Dumaran, Roxas, San Vicente, Puerto Princesa City) kasama ang Cagayancillo at Cuyo Islands
  • Guimaras
  • timog bahagi ng Iloilo (Tigbauan, Leon, Tubungan, Guimbal, Igbaras, Miagao, San Joaquin)
  • timog bahagi ng Antique (Patnongon, San Remigio,San Jose, Belison, Sibalom, Hamtic, Tobias Fornier, Anini-Y)

— James Relativo

NDRRMC

PAGASA

TYPHOON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with