^

Bansa

SIM Card Registration Act, aprub na sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
SIM Card Registration Act, aprub na sa Senado
Subscriber identity module (SIM) cards.
The STAR / File

MANILA, Philippines — Inaprubahan ng Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang SIM Card Registration Act na naglalayong pigilan ang paglaganap ng subscriber identity module (SIM) card-aided fraud.

Ayon kay Sen. Grace Poe, panahon na upang magkaroon ng batas na magpaparusa sa mga manloloko gamit ang SIM card.

Ang Senate Bill No. 2395 ay nag-aatas sa lahat ng pampublikong telecommunications entity na gawin ang pagpaparehistro ng lahat ng SIM card kung saan ang mga subscribers ay dapat magsumite ng registration form at magpakita ng valid na identification card.

Pinaparusahan din nito ang paggamit ng mga peke na pagkakakilanlan upang irehistro ang mga SIM card, spoofing, at ang hindi awtorisadong pagbebenta ng mga nakarehistrong SIM card.

Tinukoy din ni Poe ang insidente ng pag-hack noong nakaraang linggo kung saan 700 ang naging biktima dito bilang hudyat na kailangan na ng agarang pagtupad ng batas na magbibigay ng mas matinding seguridad para sa mga konsumer.

Tiniyak ni Poe na ang panukala ay ginawa nang may pagpapahalaga sa karapatan sa pagkapribado ng mga mamimili kung saan titiyakin ng National Telecommunications Commission na ang sentralisadong pagpapatala ng SIM card ay ginagawa alinsunod sa Data Privacy Act.

SIM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with