^

Bansa

Signal no. 4 itinaas sa apat lugar bago sumalpok Typhoon Odette sa lupa

James Relativo - Philstar.com
Signal no. 4 itinaas sa apat lugar bago sumalpok Typhoon Odette sa lupa
Satellite image ng Typhoon Odette mula sa kalawakan
Joint Typhoon Warning Center

MANILA, Philippines (Update 2, 1:04 p.m.) — Sumasailalim ngayon sa mabilis na paglakas ang Typhoon Odette habang kumikilos ito papunta sa kalugaran ng Dinagat Islands at Bucas Grande Islands, dahilan para itaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) no. 4 sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao.

Natagpuan ang mata ng bagyo 175 kilometro silangan ng Surigao City, Surigao del Norte bandang 10 a.m. ng Huwebes.

Lakas ng hangin: aabot ng hanggang 185 kilometro kada oras malapit sa gitna
Bugso ng hangin: aabot hanggang 230 kilometro kada oras
Direksyon: kanluran hilagangkanluran
Bilis ng pagkilos: 25 kilometro kada oras

Posibleng tumama sa kauna-unahang pagkakataon ang bagyo sa lupa sa anumang bahagi ng sumusunod na mga lugar sa pagitan ng 1 p.m. hanggang 3 p.m. ngayong hapon:

  • Dinagat Islands 
  • Siargao-Bucas Grande Islands

"Typhoon 'ODETTE' is forecast to continue intensifying until it makes landfall this afternoon. Considering the recent trend in its intensification, the typhoon may reach a pre-landfall peak intensity of 185 to 195 km/h," ayon pa sa pahayag ng state weather bureau.

"'ODETTE' may see some slight weakening as it crosses northeastern Mindanao, Visayas, and Palawan, but it is forecast to remain as a typhoon."

Storm signal warnings lumala

Samantala, Signal No. 4 naman sa apat na lugar ngayon sa Visayas at Mindanao dahil pa rin sa pananalasa ng bagyong "Odette," ayon sa huling ulat ng PAGASA ngayong araw.

Signal No. 4

  • Southern Leyte
  • silangang bahagi ng Bohol (Talibon, Trinidad, San Miguel, Dagohoy, Pilar, Sierra Bullones, Jagna, Garcia Hernandez, Duero, Guindulman, Anda, Candijay, Alicia, Mabini, Ubay, Pres. Carlos P. Garcia, Bien Unido)
  •  Dinagat Islands
  • Surigao del Norte kasama ang Siargao at Bucas Grande Islands

Umiiral ngayon ang "very destructive" typhoon-force winds sa mga nabanggit na lugar. Kung hindi man, maaasahan ito sa susunod na 12 oras.

Signal No. 3

  • Timog bahagi ng Leyte (Abuyog, Mahaplag, Hilongos, Bato, Matalom, Hindang, Inopacan, City of Baybay, Javier, Macarthur)
  • Timog at gitnang  bahagi Cebu (Camotes Islands, Tuburan, Catmon, Carmen, Danao City, Asturias, Balamban, Cebu City, Compostela, Liloan, Consolacion, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Toledo City, City of Talisay, Minglanilla, Samboan, Sibonga, Alcoy, Ginatilan, Boljoon, City of Carcar, Malabuyoc, Moalboal, Cordova, Oslob, Aloguinsan, Pinamungahan, Barili, Santander, Badian, Dalaguete, Alcantara, Ronda, Alegria, City of Naga, Argao, San Fernando, Dumanjug, Sogod)
  • Nalalabing bahagi ng Bohol
  • Negros Oriental
  • Siquijor
  • Timog at gitnang bahagi ng Negros Occidental (Calatrava, San Carlos City, Salvador Benedicto, City of Talisay, Silay City, Bacolod City, Murcia, Bago City, Valladolid, Pulupandan, La Carlota City, San Enrique, La Castellana, Moises Padilla, Pontevedra, Hinigaran, Isabela, Binalbagan, City of Himamaylan, City of Kabankalan, Ilog, Cauayan, Candoni, City of Sipalay, Hinoba-An)
  • Guimaras
  • Hilagang bahagi ng Agusan del Norte (Kitcharao, Jabonga, Santiago, Tubay, City of Cabadbaran)
  • Hilagang bahagi ng Surigao del Sur (Carrascal, Cantilan, Madrid, Carmen, Lanuza, Cortes, City of Tandag)

Mararanasan ang mapaminsalang typhoon-force winds sa mga nabanggit na lugar. Kung hindi man, matitikman ito ng mga naturang erya sa loob ng 18 oras.

Signal No. 2

  • Timog bahagi ng Albay (The city of Tabaco, Malilipot, Rapu-rapu, Bacacay, Santo Domingo, Legazpi City, Manito, Camalig, Daraga, Jovellar, Guinobatan, Pio Duran, City of Ligao, Oas)
  • Sorsogon
  • Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands
  • Romblon
  • Gitna at timog bahagi ng Oriental Mindoro (Pinamalayan, Gloria, Bansud, Bongabong, Roxas, Mansalay, Bulalacao, Socorro, Pola)
  • Gitna at timog bahagi ng Occidental Mindoro (Sablayan, Calintaan, Rizal, San Jose, Magsaysay)
  • Palawan (El Nido, Calamian Islands, Taytay, Dumaran, Araceli, Cuyo Islands)
  • Northern Samar
  • Eastern Samar
  • Samar
  • Biliran
  • Nalalabing bahagi ng Leyte
  • Nalalabing bahagi ng Cebu
  • Nlalabing bahagi ng Negros Occidental
  • Iloilo
  • Capiz
  • Aklan
  • Antique
  • Nalalabing bahagi ng Surigao del Sur
  • Agusan del Sur
  • Nalalabing bahagi ng Agusan del Norte
  • Dulong hilagang bahagi ng Zamboanga del Norte (Dapitan City, Siayan, Sindangan, - Jose Dalman, Manukan, Pres. Manuel A. Roxas, Katipunan, Sergio Osmeña Sr., Polanco, Dipolog City, Piñan, Mutia, La Libertad, Rizal, Sibutad)
  • Dulong hilagang bahagi ng Zamboanga del Sur (Josefina, Molave, Mahayag, Dumingag, Tambulig)
  • Misamis Occidental
  • Hilagang Lanao del Norte (Kolambugan, Maigo, Munai, Bacolod, Poona Piagapo, Kauswagan, Pantao Ragat, Matungao, Linamon, Baloi, Tagoloan, Pantar, Iligan City)
  • Misamis Oriental
  • Camiguin
  • Hilagang bahagi ng Bukidnon (Cabanglasan, City of Malaybalay, Lantapan, Talakag, Baungon, Libona, Manolo Fortich, Sumilao, Impasug-Ong, Malitbog)
  • Hilagang bahagi ng Lanao del Sur (Tagoloan II, Kapai)

Makakatikim naman ng mapaminsalang gale hanggang storm-force winds ang mga lugar sa itaas. Kung hindi man, maaasahan ito sa susunod na 24 oras.

Signal No. 1

  • Catanduanes
  • Camarines Norte
  • Camarines Sur
  • Nalalabing bahagi ng Albay
  • Marinduque
  • Timog bahagi ng Quezon (San Antonio, Tiaong, Candelaria, Sariaya, Dolores, Lucena City, Pagbilao, Padre Burgos, Atimonan, Agdangan, Unisan, Gumaca, Plaridel, Pitogo, Lopez, Guinayangan, Buenavista, Catanauan, General Luna, Macalelon, Mulanay, San Narciso, San Andres, San Francisco, Tagkawayan, Calauag, Quezon, Alabat, City of Tayabas, Perez)
  • Batangas
  • Nalalabing bahagi ng Oriental Mindoro
  • Nalalabing bahagi ng Occidental Mindoro
  • Nalalabing bahagi ng mainland Palawan kasama ang Balabac at Kalayaan Islands
  • Hilagang bahagi ng Davao Oriental (Baganga, Cateel, Boston)
  • Hilagang bahagi ng Davao de Oro (Laak, Mawab, Nabunturan, Montevista, Monkayo, New Bataan, Compostela)
  • Hilagang bahagi ng Davao del Norte (Talaingod, Santo Tomas, Kapalong, Asuncion, San Isidro, New Corella)
  • Hilagang bahagi ng Bukidnon
  • Nalalabing bahagi ng Lanao del Norte
  • Nalalabing bahagi ng Lanao del Sur
  • Nalalabing bahagi ng hilagang parte ng Zamboanga del Norte (Labason, Kalawit, Tampilisan, Liloy, Salug, Godod, Bacungan, Gutalac, Baliguian)
  • Nalalabing bahagi ng hilagang parte ng Zamboanga del Sur (Bayog, Lakewood, Kumalarang, Guipos, Dumalinao, Tukuran, Ramon Magsaysay, Aurora, Sominot, Tigbao, Labangan, Pagadian City, Midsalip)
  • Nalalabing bahagi ng Zamboanga Sibugay (Titay, Ipil, Naga, Kabasalan, Siay, Diplahan, Buug)

Malaki naman ang tiyansa na lumakas itong uli oras na lumitaw ito sa West Philippine Sea.

"However, weakening may ensue beginning Sunday as the typhoon becomes exposed to increasing vertical wind shear and the surge of the Northeast Monsoon," dagdag pa ng PAGASA.

PAGASA

TYPHOON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with