^

Bansa

Mga kukuha ng UMID card sa SSS, binalaan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mga kukuha ng UMID card sa SSS, binalaan
Ayon kay SSS President at CEO Aurora C. Ignacio, ang SSS lamang ang awtorisadong tumanggap ng aplikasyon ng UMID cards at magbigay nito sa mga mi­yembro kaya’t walang dahilan para makipagtransaksiyon sa online fixers sa pagkuha ng natu­rang card.
SSS Facebook Page

MANILA, Philippines — Binalaan ng pamunuan ng Social Security System (SSS) ang mga miyembro na huwag makikipag-ugnayan sa mga online fixers kung nais makakuha ng  Unified Multi-Purpose Identification (UMID) Card.

Ayon kay SSS President at CEO Aurora C. Ignacio, ang SSS lamang ang awtorisadong tumanggap ng aplikasyon ng UMID cards at magbigay nito sa mga mi­yembro kaya’t walang dahilan para makipagtransaksiyon sa online fixers sa pagkuha ng natu­rang card.

Sinabi ni Ignacio na ang biometrics data capturing na mahala­gang proseso sa UMID Cards ay magagawa lamang sa mga SSS  branches.

“We are reminding our members to refrain from transacting with fixers to avoid any inconvenience,” sabi pa ni Ignacio.

Pinayuhan din nito ang mga SSS members na mag-book muna ng appointment sa branch na nais puntahan gamit ang Appointment System sa My.SSS Member Portal upang maiwasan ang panganib ng pagkakahawa sa Covid-19.

Maaaring makakuha ng UMID Cards mula sa SSS ang mga miyembrong kahit may isang buwan pa lamang na kontribusyon.

Libre rin ang UMID Cards para sa first-time applicants, at may bayad namang P200 sa mga magpapalit o magre-renew nito.

vuukle comment

UMID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with