^

Bansa

Basbas ng Kongreso hintayin bago magpalit ng disenyo sa pera

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Basbas ng Kongreso hintayin bago magpalit ng disenyo sa pera
Sinabi ni Binay na dapat i-endorso muna ng National Historical Commission of the Philippines at aprubahan ng Kongreso ang anumang disenyo ng pera bago ito ilabas para sa sirkulasyon.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Kailangan munang hintayin ang basbas ng Kongreso bago gumawa ng bagong disenyo ng barya o perang papel ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ito ang mungkahi ni Sen. Nancy Binay matapos tanggalin ng BSP sa P1,000 bill ang tatlong mukha ng bayani na lumaban sa World war II.

Sinabi ni Binay na dapat i-endorso muna ng National Historical Commission of the Philippines at aprubahan ng Kongreso ang anumang disenyo ng pera bago ito ilabas para sa sirkulasyon.

Iginiit pa ng senador na ang disenyo ng pera ay hindi lang ang BSP ang nagdedesisyon dahil ang pagpapalit lang ng pa­ngalan ng mga eskwelahan at kalsada ay kailangan pa ng congressional imprimatur, kaya tanong niya bakit exempted dito ang BSP.

Dismayado rin si Binay sa desisyon ng BSP na alisin ang tatlong bayani sa bago nilang disenyo na Philippine eagle, na parang nagpapahiwatig na ang mga bayani at martyrs ay hindi na kasinghalaga ng ating pera.

“Nakakalungkot that Josefa Llanes-Escoda, Jose Abad Santos, and Gen. Vicente Lim have become the first casualties of retail revisionism and hero delegitimation. For some strange reason, BSP is slowly silencing memories of heroism and acts of patriotism,” giit pa niya.

CONGRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with