^

Bansa

Franchise application ng telco ipinagpaliban ng Senado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Franchise application ng telco ipinagpaliban ng Senado
Ang Newsnet ay sister company ng NOW Telecom na may P2.6 bilyong pagkakautang sa gobyerno dahil sa unpaid supervision and regulation fees (SRF) at penalties.
STAR/Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Ipinagpaliban muna ng Senate Committee on Public Services ang pag-apruba sa aplikasyon ng franchise ng NOW Cable and News Entertainement Network Corporation (Newsnet).

Ang Newsnet ay sister company ng NOW Telecom na may P2.6 bilyong pagkakautang sa gobyerno dahil sa unpaid supervision and regulation fees (SRF) at penalties.

Sa pagdinig, inusisa ni Senador Grace Poe, chairman ng komite ang isyu ng ownership at tinanong kung ang mga dating tao pa rin ang nagpapatakbo ng NOW Telecom at sinagot naman ito ng oo ni Atty. Henry Abes, pangulo ng parent company na NOW Corporation.

Paliwanag naman ni Poe, ang pagbibigay ng prangkisa ay isang pribiliheyo, at kailangang pagkatiwalaan ang mga karakter sa likod ng franchise application.

Ang hindi umano pagbabayad ng P5,000 penalty sa Securities and Exchange Commission ay isang basehan mismo para hindi pagkalooban ng prangkisa ang kumpanya.

Ayon pa kay Poe, sinisingil ng National Telecommunications Commission (NTC) ang NOW Telecom ng mahigit P2.6 bilyong hindi nabayarang SRF at penalties na naipon na mula pa noong 2004.

Dagdag pa nito, ang telecoms regular, sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General, ay naghain na ng mosyon sa Supreme Court na humiling na pabayaran sa kumpanya ang kanilang obligasyon sa gobyerno. Nakabinbin pa sa High Tribunal ang desisyon para dito.

NOW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with