MANILA, Philippines — Nagbunyi ang sari-saring grupo sa pagdedeklarang unconstitutional ng Korte Suprema sa ilang probisyon ng kontrobersyal na Anti-Terrorism Act of 2020 — gayunpaman, hindi pa raw tapos ang laban nila para tuluyan itong maibasura.
Dalawang bahagi kasi ng Republic Act 11479 ang lumalabas na labag sa 1987 Constitution at kalayaan sa pamamahayag, ayon sa Kataas-taasang Hukuman. Gayunpaman, ilang probisyong sinasabing tumatapak sa mga demokratikong karapatan ang pinanatili ng korte.
Related Stories
"Our main win from the SC ruling on the terror law is that ACTIVISM IS NOT TERRORISM," ani Renato Reyes Jr., secretary general ng grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), Huwebes.
"This is a partial victory for petitioners as protests and advocacy are not acts of terror. But the dangerous provisions of the terror law remain and can still be abused."
Our main win from the SC ruling on the terror law is that ACTIVISM IS NOT TERRORISM. This is a partial victory for petitioners as protests and advocacy are not acts of terror. But the dangerous provisions of the terror law remain and can still be abused. #JUNKTERRORLAW
— Renato Reyes, Jr. (@natoreyes) December 9, 2021
Tinutukoy ni Reyes ang pagsopla ng Supreme Court sa Section 4 ng batas, kung saan sinasabing hindi terorismo ang mga protesta, welga, atbp. kung "hindi nito layong makapatay o magdulot ng matinding pagkakapinsala sa tao, o maglagay sa buhay ng tao sa panganib, o gumawa ng seryosong banta sa kaligtasan ng publiko."
Sa kabila nito, sinasabi ni lider ng BAYAN dapat pa ring hamunin ang sumusunod na probisyon na itinuturing na "constitutional" ng Korte Suprema:
- paraan ng terrorist designation
- proscription
- warrantless arrest
- hanggang 24 na kulong kahit wala pang warrant o kaso
"We will prepare our motion for reconsideration as we study the SC ruling when it is released," ani Reyes, na naghahanda ngayon sa malaking protesta sa Biyernes kasabay ng Human Rights Day. Sasama rin ang counsel-petitioner na si Bayan Muna chairperson at 2022 senatorial aspirant Neri Colmenares sa mga maghahain mosyon.
Ito rin naman ang ipinangako nina Edre Olalia, presidente ng National Union of People's Lawyers at abogado ng BAYAN sa kanilang petisyon sa Korte Suprema.
Aniya, mainam na natanggal ang naturang qualifier pagdating sa exercise ng civil and political rights dahil sa lehitimong aktibidad ito at "sagradong" karapatan ng tao, pero kulang daw kung hanggang dito lang ang kanilang tagumpay.
"[W]e regret that all the rest of the perilous provisions like other forms of designation, warrantless arrest, prolonged detention, freezing of assets, proscription, definitions of incitement, recruitment, membership, material support, humanitarian assistance etc) remain in the books, for now," paliwanag ni Olalia.
"We will certainly regroup and close ranks and file a motion for reconsideration. We will not allow the dying of the flickering light of our basic rights."
Matagal nang nire-redtag ng militar, kapulisan at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang mga grupong kaalyado ng BAYAN bilang mga "front" ng mga armadong rebelde gaya ng New People's Army at pamunuan nitong Communist Party of the Philippines (CPP).
Sa kabila nito, na-repeal ang Anti-Subversion Law noong 1992 dahilan para maging ligal ang CPP.
Ika-7 ng Disyembre pa nang bumoto ang en banc session ng Korte Suprema sa mga petition na humahamon sa constitutionality ng batas, ngunit ngayong araw lang inilabas ang desisyon.
Most contested law sa kasaysayan ng bansa
Ilan sa iba pang petitioners at tumututol sa anti-terror law ang ilang mga abogado, guro, atbp. na naninindigang nakatatapak sa mga pundamental na karapatang pantao ang batas — na maaari raw magamit kahit sa mga kritiko ng gobyernong hindi naman terorista.
Maging ang Integrated Bar of the Philippines, na pambansang organisasyon ng mga abogado sa Pilipinas, ay naninindigang labag sa konstitusyon ang mga bahagi nito.
Sinasabing aabot sa 37 petitions ang inihain sa korte laban sa batas, dahilan para ideklara ito bilang "most contested law" sa recent history ng SC.
Matagal nang ipinagtatanggol ng ilang lawmakers, gaya ni 2022 presidential aspirant Sen. Panfilo Lacson, ang nasabing batas lalo na't "marami" naman daw itong safeguards laban sa abuso habang mabisa raw ito laban sa mga "extremists."
'Dapat ibasura ang buong batas'
Ayon naman kay Karapatan secretary general Cristina Palabay, dapat nang maibasura hindi lang ang iilang probisyon ng ATL ngunit ang kabuuan ng R.A. 11479 dahil sa punung-puno raw ito ng mga "draconian provisions."
"That the terror law was the most contested law in Philippine history only shows the widespread opposition to this dangerous piece of legislation which directly harms our basic rights and freedoms," ani Palabay, na isa rin sa mga petitioners laban sa batas.
"The Supreme Court’s decision to adopt repressive provisions - the vague and overbroad definition of ‘terrorism,’ arbitrary powers of the Anti-Terrorism Council to designate and freeze assets of individuals and organizations, and the long period of warrantless detention — will only set to worsen the already dismal human rights situation in the country."
Dagdag pa ng Karapatan, kayang-kaya pa rin daw gamitin ng Anti-Terrorism Council ang "arbitrary" powers nito para tawaging terorista ang sinuman para "targetin ang mga kritiko." Ang designation na ito ay halos nakakaatim na raw ng parehong layunin ng proscription.
Noong 2018 pa lang, aabot sa 600 indibidwal ang ipinetisyon ng Department of Justice para i-proscribe bilang "terorista" sa ilalim ng Human Security Act. Hindi bababa sa pito katao rito ang pinatay, kasama ang human rights worker na si Zara Alvarez at peace consultants na sina Randy Malayo at Randall Echanis.
"The ATC’s power to designate is a virtual hitlist. Being designated as a ‘terrorist’ is essentially a death warrant... We continue to assert that this draconian law must be junked and declared unconstitutional," pagtatapos ni Palabay.