^

Bansa

Walang Solid North?: Ilang Ilokano inihain isa pang petisyon vs Marcos candidacy sa 2022

James Relativo - Philstar.com
Walang Solid North?: Ilang Ilokano inihain isa pang petisyon vs Marcos candidacy sa 2022
Kita sa larawang ito ang ilang miyembro at supporter ng grupong Pudno Nga Ilokano na naghain ng ika-walong petisyon laban sa 2022 presidential candidacy ni dating Sen. Bongbong Marcos, ika-7 ng Disyembre, 2022
Screengrab mula sa Youtube channel ng ONE News PH

MANILA, Philippines — Isa pang petisyon para pigilan ang pagtakbo ni dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa pagkapangulo sa 2022 ang inilagak sa Commission on Elections (Comelec) — sa pagkakataong ito, mula mismo sa kanyang balwarte ng rehiyon ng Ilokos.

Inihain ng grupong Pudno Nga Ilokano ang isa pang disqualification case laban kay Bongbong, Martes, bagay na pinangunahan ng kanilang lead counsel na si Christian Monsod..

Si Monsod ay nagsilbing chair ng Comelec mula 1991 hanggang 1995, at isa sa mga framers ng 1987 Constitution.

Ilan sa mga ipinupunto ng grupo sa disqualification petition ang tax case conviction ni Bongbong, anak ng yumaong dikdator na si Ferdinand Marcos Sr., dahil sa kabiguan ng nauna na maghain ng kanyang income tax returns.

"Petitioners band together with the common desire to uphold the rule of law and invoke its power to resist the illegal attempt of Respondent to run for President of the Philippines and to re-establish the abusive Marcos family and their cohorts' control of its government and its people," ayon sa petisyon kanina.

Ito na ang ikaapat na petisyong humihiling sa diskwalipikasyon ni Marcos mula sa presidential race sa susunod na taon.

Wala pang pahayag ang kampo nina Bongbong pagdating sa panibagong reklamo sa kanya sa Comelec.

Sa pagkakalabag sa National Internal Revenue Code, iginiit ng mga naunang petitioners na kasama ang "perpetual disqualification" sa paghawak ng anumang public office sa mga parusa kay Marcos alinsunod sa batas.

Ngayong Disyembre lang din nang maglabas ng sertipikasyon ang Quezon City Regional Trial Court Branch 105 na nagsasabing walang record na napagbayaran na ni Marcos ang mga ipinataw sa kanyang sintensya pagdating sa kanyang convictions noong dekada '90.

"This is to certify that there is no record on file of: Compliance of payment of satisfaction of the Decision of the Regional Trial Court dated July 27, 1995 or the Court of Appeals dated October 31, 1997," ayon sa doktumentong nilagdaan ni officer-in-charge Rowena Sto. Tomas-Bacud noong ika-2 ng Disyembre, 2021.

Nangyayari ang lahat ng ito kahit na iginigiit ng mga opisyal ng Partido Federal ng Pilipinas, na partido ni Marcos, na nabayaran na ng huli ang kanyang multa kasama ang interes at surcharge na aabot aniya sa P67,137,27 noong ika-27 ng Disyembre, 2001.

Sasamahan ng petisyong ito ang iba pang disqualification cases, petition para makansela ang kanyang certificate of candidacy at petisyon para ideklara siyang "nuisance candidate" sa darating na 2022 national elections. 

'Pinoy huwag pigilang mamili ng pinuno sa 2022'

Nagsalita naman na ang kampo ni Marcos sa pamamagitan ng tagapagsalita niyang si Victor Rodriguez pagdating sa bagong reklamo sa kanila sa Comelec, bagay na kanila pa ring itinuturing na "nuisance cases" magpahanggang sa ngayon.

"ALL the petitions filed with the Comelec which seek to disqualify Bongbong Marcos from the presidential race, or cancel his Certificate of Candidacy, are now being addressed by our legal team," wika niya sa statement na inilabas sa media.

"And while we maintain that these petitions are nothing but nuisance cases, we urge those who are behind these pathetic stunts to please respect the Filipino people and their democratic right to decide for themselves and their collective future."

Nananawagan din sila sa mga petitioners na "huwag agawan" ang taumbayan ng karapatang malayang makapamili ng pinuno.  Aniya, naipapanalo daw ang mga halalan sa araw ng eleksyon at hindi sa "paghahain ng mga panggulong" petisyon.

Matatandaang natalo si Bongbong sa pagkapangalawang pangulo noong 2016 national elections matapos siyang talunin ni Bise Presidente Leni Robredo — kahit na naghain pa siya ng pormal na protesta sa mga boto. — may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag at News5

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

COMMISSION ON ELECTIONS

DISQUALIFICATION

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with