^

Bansa

PAGASA: 'Nyatoh' naging typhoon na, pero tiyansang pumasok ng PAR lumiit

James Relativo - Philstar.com
PAGASA: 'Nyatoh' naging typhoon na, pero tiyansang pumasok ng PAR lumiit
Satellite image ng Typhoon Nyatoh mula sa kalawakan
RAMMB

MANILA, Philippines — Lalo pang lumakas ang bagyong binabantayan ng state meteorologists sa gawing kanan ng Philippine area of responsibility (PAR) — gayunpaman, baka hindi na ito makalapit pa nang husto sa bansa.

Namataan ang Typhoon Nyatoh (international name) 1,440 kilometro silangan ng Gitnang Luzon bandang 3 a.m., ayon sa huling pagtataya ng PAGASA ngayong Huwebes.

  • Lakas ng hangin: aabot ng hanggang 120 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: nasa 150 kilometro kada oras
  • Direksyon: pa-hilaga
  • Bilis ng kilos: 20 kilometro kada oras

"So inaasahan po natin na medyo bumababa na ang tiyansa na pumasok ng ating [Philippine area of responsibility] itong si Typhoon Nyatoh," paliwanag ni PAGASA weather specialist Sam Duran kaninang umaga.

"Gayunpaman, patuloy pa rin po tayo maglalabas ng mga babala or abiso hinggil po sa development nitong si bagyong Nyatoh."

Kung makapasok ng PAR, tatawaging bagyong "Odette" ang nasabing sama ng panahon. Ito ang magiging ika-15 bagyo sa loob ng naturang erya kung nagkataon.

Ang mga kaulapang nakikita ngayon sa kalugaran ng Visayas at Mindanao ay dulot pa rin ng extension o trough ng Typhoon Nyatoh sa ngayon.

Kasalukuyan namang nakakaapekto ang Hanging Amihan sa Luzon, bagay na nagbibigay ng malamig na temperatura sa naturang kapuluan. 

PAGASA

PAGASA WEATHER UPDATES

TYPHOON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with