KakamPINK Wednesday: Aika Robredo nanguna sa feeding program sa Quezon City
MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Aika Robredo, anak ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo, ang “lugaw” feeding program sa Barangay Bagong Pag-asa sa Quezon City bilang bahagi ng KakamPINK Wednesday.
Daan-daang residente na kabilang sa Sandigan ng Maralitang Nagkakaisa (SAMANA) North Triangle Neighborhood Association Inc. ang tumangggap ng mahigit na “lugaw” mula kay Robredo at iba pang volunteers.
Nakipag-dayalogo rin si Robredo sa mga residente para talakayin ang mga plano ng Bise Presidente para sa sektor ng urban poor at makinig sa iba pa nilang isyu at pangangailangan.
“Sa tingin ko iyon ang crucial talaga. Hanggang hindi ka bumababa, hindi mo malalaman ang nangyayari on the ground,” wika ni Robredo, na idinagdag pa na kilala ang Bise Presidente sa kanyang pakikipag-ugnayan sa mga nasa laylayan ng lipunan bilang abogado na nagbibigay ng libreng tulong legal bago pumasok sa pulitika.
”Kung mayroong lamang iyong nanay ko sa ibang katunggali niya. Bago siya pumasok sa pulitika, matagal na siyang nagbababad sa ground. Sanay siyang makinig at sanay siyang makasama iyong mga katrabaho niya sa plano,” dagdag pa niya.
Bago naging mambabatas, nagbigay ang Bise Presidente ng libreng tulong legal sa iba’t ibang sektor sa Camarines Sur, gaya ng urban poor, magsasaka at mga mangingisda.
Noong 2016 elections, tumulong ang iba’t ibang organisasyon ng maralitang tagalungsod na manalo si Robredo bilang bise presidente.
- Latest