^

Bansa

45% ng pamilyang Pinoy, mahirap - SWS

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
45% ng pamilyang Pinoy, mahirap - SWS
Sa naturang survery, nasa 34 porsyento naman ang nagsabi na nasa ‘borderline poor’ sila habang 21 porsyento ang tiwala na nagsabi na maayos sila.
STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Nasa 45 porsyento ng pamilyang Pilipino ang ikinukunsidera ang mga sarili na mahirap, base sa resulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS) nitong ikatlong quarter ng 2021.

Sa naturang survery, nasa 34 porsyento naman ang nagsabi na nasa ‘borderline poor’ sila habang 21 porsyento ang tiwala na nagsabi na maayos sila.

Bahagyang umangat ito sa 48 porsyento na nagsabing mahirap sila sa naunang survey noong Hunyo.

Sa naturang survey, nasa 30% ng mga pamilya ang umamin na ‘food poor’ sila o hirap sa pagkain, nasa 44% ang ‘borderline food poor’ habang 26% ang hindi ‘food poor’.

Gumamit ang naturang survey ng 1,200 adult respondents na may ‘sampling error margins’ na ±3% sa national percentages at ±6% sa Metro Manila, balanseng Luzon, Visayas, at Mindanao.

Bumaba ang nagsabi na mahirap sila sa Visayas at Metro Manila habang tumaas ang nagsabi na nasa ‘borderline poor’ sila sa lahat ng lugar maliban sa Mindanao.

POVERTY

SWS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with