Spam texts na nag-aalok ng pekeng trabaho, kumakalat

Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesperson Karlo Nograles, nakakabahala ang mga nasabing text messages lalo pa’t sangkot ang isyu ng privacy ng mga mamamayan.
Interaksyon screenshot/ Dean Moriarty via Pixabay

MANILA, Philippines — Nababahala na rin ang Malacañang sa biglang pagdami ng mga spam text messages na nag-aalok sa mga mamamayan ng pekeng trabaho.

Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesperson Karlo Nograles, nakakabahala ang mga nasabing text messages lalo pa’t sangkot ang isyu ng privacy ng mga mamamayan.

Tiniyak ni Nograles na iniimbestigahan na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang pagsulputan ng mga spam texts.

May mga nagsasabi na nakukuha umano ng mga scammers ang numero ng mga mamamayan sa contact tracing forms na ginagamit sa ­COVID-19.

Sinabi ni Nograles na hindi lamang ito isyu na dapat tingnan ng Inter-Agency Task Force (IATF) kundi ng gobyerno.

Hintayin na lang ang magiging resulta ng imbestigasyon ng NTC at ng National Privacy Commission.

Show comments