Duterte kinondena ang insidente sa Ayungin Shoal
MANILA, Philippines — Kinondena ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginawang pagharang at pagbomba ng tubig ng Chinese Coast Guard vessels sa dalawang bangka ng Pilipinas na magdadala ng supply sa mga sundalong nagbabantay sa Ayungin Shoal.
Sa kanyang pagsasalita sa Association of Southeast Asian Nations (Asean)-China Special Summit sa pamamagitan ng video conference kahapon, sinabi ni Duterte na ang isyu ng South China Sea ay isang hamon na hindi mareresolba sa pamamagitan ng dahas.
Sinabi rin ni Duterte na nakakasuklam ang nasabing pangyayari sa Ayungin Shoal at mga kahalintulad pang kaganapan.
“We abhor the recent event in the Ayungin Shoal and view with grave concern other similar developments,” ani Duterte sa ASEAN-China special summit.
Ang insidente aniya ay hindi nagpapakita ng magandang relasyon sa pagitan ng mga bansa.
Ipinaalala rin ni Duterte na ang pag-angkin sa South China Sea ay dapat resolbahin gamit ang batas.
“UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Seas) and the 2016 Arbitral Award provide legal clarity …pointing us to a just and fair solution to our disputes. We must fully utilize these legal tools to ensure that the South China Sea remains a sea of peace, stability and prosperity,” ani Duterte.
Sinabihan din ni Duterte ang China na sumunod sa Code of Conduct sa South China Sea.
Wala na aniyang ibang paraan para matapos ang problema kundi sa pamamagitan ng rule of law.
- Latest